'Abdullah Maute, maaaring patay na' | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Abdullah Maute, maaaring patay na'

'Abdullah Maute, maaaring patay na'

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2017 09:24 PM PHT

Clipboard

Malaki ang paniniwala ni Western Mindanao commander Lt. Gen. Carlito Galvez na patay na ang isa sa mga lider ng teroristang grupong Maute na si Abdullah Maute.

Binitawan ni Galvez ang pahayag sa gitna ng pamamahagi ng Western Mindanao Command at Fil-Turkish Chamber ng mga regalo sa mga evacuees o 'bakwit' sa Saguiran, Lanao del Sur matapos ang Eid al-Adha.

Ilang araw na umanong hindi nakikita si Abdullah sa main battle area at nagsasagawa na ng recruitment ang Maute sa ibang lugar.

Nadagdagan ng isa ang bilang ng mga patay na sundalo kahapon.

ADVERTISEMENT

Samantala, isang ligaw na bomba ang bumulabog sa mga residente sa Barangay Alinun sa Saguiran matapos sumabog sa gitna ng bukid.

Mga shrapnel at pinaghihinalaang mortar ang nakuha sa naiwang crater dulot ng pagsabog.

Iniimbestigahan na ng pulisya at militar ang pinanggalingan ng ligaw na bomba.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.