PANOORIN: Paano 'niluto' ang pag-atake sa Marawi | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Paano 'niluto' ang pag-atake sa Marawi

Chiara Zambrano,
ABS-CBN News
Published Jun 07, 2017 08:38 PM PHT
|
Updated Jun 09, 2017 01:52 PM PHT

Kitang kita sa isang video na narekober ng militar na mismong ang magkapatid na Maute at si Isnilon Hapilon ang nagplano ng ginawa nilang pag-atake sa Marawi City.

Pinag-uusapan nila sa video kung paano aaatakihin ang Marawi. Makikitang pinaplano nila sa mapa ang atake sa tatlong lugar sa nasabing lungsod.

Sa video, makikitang nakaupo sa loob ng isang gusali ang magkapatid na sina Abdullah Maute at Omar Maute. Nasa harap naman nila si Isnilon Hapilon, ang pinuno ng Abu Sayyaf sa Basilan na kinikilala na ngayong amir o pinuno ng ISIS sa Pilipinas. Nasa gitna naman nila ang mga mapa ng Marawi City at ng buong Lanao del Sur.

Si Omar ang nagpasimula kung paano aatakihin ang 103rd Infantry Brigade na kampo na militar sa Marawi, ngunit nagkadebate sila ng kapatid niyang si Madie Maute tungkol sa tamang paraan upang mapalabas sa kalsada ang mga sundalo para lalong tamaan.

ADVERTISEMENT
Malakas naman ang loob ni Omar na sabihing marami siyang kayang saktan. Tahimik namang nakikinig si Abdullah.

Kasama rin nila sina Abu Yaman, ang pinaniniwalaan ng militar na pumugot sa ulo ng saw mill workers sa Butig, at si Abdul Najib, isang bomb maker.

Kabisado ng grupo kung saan nakatago ang mga tangke ng sundalo. Pinaplano rin nila kung saan sila babaril para matamaan ito.

Ibinilin naman ni Madie Maute kung anong klaseng armas ang kailangan para wasakin ang mga makasasagupa nilang tangke.

Isa ang video sa mga materyal at dokumento na narekober ng militar sa isang safehouse ng grupong Maute sa Marawi noong Mayo 23.

Patuloy itong sinisiyasat ng mga awtoridad.

Ipinakikita ng video na masusi at matagalang paghahanda ang ginawa ng grupong Maute sa pagsalakay sa Marawi.

Makikita rin dito na hindi totoo ang naunang ulat ng militar na maaaring malubhang nasugatan si Hapilon sa bakbakan sa Butig, o napatay doon si Omar Maute.

Tugma ito sa mga kuwento ng mga sundalo na hindi nila nararamdamang umaatras ang grupong Maute mula sa kanilang pinagkukutahan.

Seguridad sa Davao, hinigpitan
Mas hinigpitan naman ang seguridad sa lungsod ng Davao, lalo na sa mga checkpoint, matapos mahuli si Cayamora Maute, 67 taong gulang at ama nina Abdullah at Omar Maute na lider ng grupong Maute.

Ayon sa mga awtoridad, pinangagambahan nila ang pag-rescue sa mga nahuling Maute.

Mahigpit din ang seguridad sa matataong lugar tulad ng Roxas night market na pinasabugan noong nakaraang taon at kung saan itinuturong responsable ang grupong Maute.

Naharang si Cayamora sa checkpoint ng Task Force Davao sa Brgy. Sirawan Toril kasama ang pangalawang asawang si Kongan Balawag Maute, anak na si Norjanah, bayaw na si Benzarali Tingao, at ang driver na si Aljon Salazar Ismael.

Galing Cotabato ang lima at magpapagamot lang daw sana sa Davao City pero nagduda ang mga awtoridad nang makitang nakabalot ang mukha ni Cayamora.

Sino si Cayamora?
Muli namang ininspeksyon ang van pagdating sa Davao City Police Office at narekober ang isang baril at granada sa loob ng sasakyan.

Ayon sa mga awtoridad, si Cayamora ay isang engineer at dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front.

Nahaharap sa kasong rebelyon si Cayamora at may standing warrant of arrest.

Inihahanda na rin ng legal team ng martial law command center ang karagdagang kasong isasampa.

Evacuees, hindi makapagdasal
Hindi napupuno ang masjid malapit sa covered court ng Fuentes Maria Cristina sa Iligan na evacuation center ng mga lumikas na Muslim sa Marawi.

Wala halos nagpupunta sa masjid dahil sa ipinatutupad na curfew sa evacuation center.

Kaya ang mga evacuees tulad ni Sittie Saumay, mas pinipiling sa loob na lamang ng mga evacuation center magdasal.

Pero ang problema, siksikan na sa mga evacuation center at halos hindi na makapaglatag ng kani-kanilang prayer mats ang mga lumikas na Muslim.

Hindi na rin daw sila nakakapagdasal nang taimtim dahil sa dami ng tao sa evacuation center.

Paliwanag ng Muslim leader na si Hadj Jammal Sansarona ng Life of Islamic Education, obligasyon ng bawat Muslim na magdasal ng limang beses sa isang araw lalo’t buwan ng Ramadan.

-- May kasamang ulat ni Hernel Tocmo, ABS-CBN News
*EDITOR'S NOTE: Sa naunang bersiyon ng ulat na ito noong Hunyo 7, 2017, nabanggit na kasama si Cayamora Maute sa pagpupulong na ipinakita sa video.
Ito ang maling pangungusap na inalis na sa pinakabagong bersiyon ng ulat na ito: "Naroon din sa pagpupulong si Cayamora Maute, ang kaaaresto lamang na ama ng pamilya Maute."
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT