PANOORIN: Isnilon Hapilon habang nagpaplano ng atake | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Isnilon Hapilon habang nagpaplano ng atake

ABS-CBN News
Published Jun 06, 2017 09:54 PM PHT
|
Updated Jun 07, 2017 12:27 AM PHT

Ipinakita ng militar sa isang foreign news agency ang cellphone video ng pagpupulong umano ng grupo nina Isnilon Hapilon bago ang bakbakan sa Marawi City.

Hindi matiyak kung kailan at saan naganap ang nakunang pulong na ipinakita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Associated Press (AP), ngunit sigurado ang militar na si Hapilon ang lalaking nasa sentro ng mesa sa video.

Si Hapilon ang teroristang wanted maging ng Amerika at ang nagpapakilalang pinuno ng Islamic State sa Pilipinas.

Sa video na nakuha rin ng ABS-CBN bilang subscriber ng AP, pinag-uusapan ng kalalakihan ang mapa ng Marawi, at pinaplano ang paglusob sa isang eskuwelahan, pagharang sa mga kalsada, at pag-okupa sa highway.

Ngayon lang may lumitaw na video si Hapilon, at hindi malinaw kung nasugatan nga siya sa isang air strike ng militar noong Enero.

Ayon kay AFP chief General Eduardo Año, patunay ang video na plano talaga ng grupo ni Hapilon na magtayo ng sarili nilang Islamic State.

Dagdag pa ni Año, plano ng mga terorista na umatake noong Mayo 26 o sa simula ng Ramadan pero napaaga ang lahat nang tangkaing hulihin si Hapilon ng militar at pulisya.
Kasabay ng paglabas ng video ang pahayag ni Pangulong Duterte na wawakasan niya ang mga terorista.

“Tapusin natin ang giyerang ito. Inumpisahan niyo, marami na akong patay na sundalo, marami na akong patay na pulis. We have crossed the bridge already,” sabi ni Duterte.

Giit ng pangulo, hindi ordinaryong problema sa peace and order ang rebelyon, kundi ito ay giyera.

Ayon pa kay Duterte, sinisira ng mga terorista ang bansa at pinakalat nila ang droga sa Mindanao. Pinopondohan din daw ng kita mula sa droga ang terorismo.

-- Ulat ni Miguel Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
Isnilon Hapilon
Marawi Clash
Associated Press
AFP
Armed Forces
Eduardo Año
Rodrigo Duterte
TV Patrol
Miguel Dumaual
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT