Isa sa mga suspek sa pagpatay kay 'Atio', nakalabas na ng bansa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isa sa mga suspek sa pagpatay kay 'Atio', nakalabas na ng bansa

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 21, 2017 10:44 AM PHT
|
Updated Sep 21, 2017 01:11 PM PHT

(UPDATED) Nakalabas na ng bansa ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa UST Law student na si Horacio “Atio” Castillo III, na sinasabing biktima ng hazing.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, batay sa tala ng Bureau of Immigration, isang Ralph Caballes Trangia na may kaarawan na Nobyembre 10, 1995 ang lumipad papuntang Taipei, Taiwan sakay ng Eva Air Flight BR262 noong Martes, ganap na ala-1:53 ng madaling araw.

Nagawang makalabas ng bansa ni Trangia isang araw bago pa man makapagpalabas ang Department of Justice (DOJ) ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa 16 na miyembro ng Aegis Jvris Fraternity kung saan kasama ang pangalan ni Trangia.

Nauna na ring pinangalanan ng MPD si Trangia na isa sa tatlong pangunahing suspek sa krimen.
Nauna na ring pinangalanan ng MPD si Trangia na isa sa tatlong pangunahing suspek sa krimen.
ADVERTISEMENT
Anak si Ralph ni Antonio Trangia, na registered owner ng pulang Mitsubishi Strada na may plakang ZTV 539, na umano'y ginamit sa pagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital.

Sa inisyal na beripikasyon naman mula kay Antonette Mangrobang tagapagsalita ng Bureau of Immigration, tanging si Trangia lang ang na-monitor nilang nakalabas ng bansa.

"The rest appears to still be in the country or do not have enough info on their identity to ascertain if they are the same person as the one appearing in BI records," aniya.

"Antonio Trangia does not have a departure record yet as of this time," dagdag pa nito.

Sa isang panayam sa ANC, sinabi ni Mangrobang na may kasamang babae si Trangia nang umalis ito.

"Based on the report of our port operations division chief, it appears that he was with a female companion, presumably his mother," aniya.

Samantala, sinabi naman ni Chief Superintendent Joel Coronel, ang District Director ng Manila Police District na ang ilang kasapi ng fraternity na may kaugnayan sa pagkamatay ni Castillo ay nasa Pilipinas pa.

"We have information that they are now staying in different places outside Metro Manila," sabi ni Coronel. "We are also validating yung mga possible whereabout ng mga suspects."