2 pulis, sinampahan na ng kasong pagpatay kay Arnaiz | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis, sinampahan na ng kasong pagpatay kay Arnaiz

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 14, 2017 04:13 PM PHT

Pormal nang nagsampa ng patung-patong na reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang mga magulang nina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo De Guzman laban sa dalawang pulis-Caloocan na itinuturong bumaril at nakapatay sa 19 na taong gulang na binata.

Personal na pinanumpaan sa harap ni Senior Assistant State Prosecutor Ma. Emilia Victorio ng mag-asawang Carlito at Eva Arnaiz gayundin nina Eduardo at Lina Gabriel ang kanilang reklamo laban kina PO1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Isinama na rin sa reklamo ng mga ito ang taxi driver na si Tomas Bagcal bilang kasabwat sa krimen.

Kasama ng Public Attorney’s Office (PAO) sa paghahain ng reklamo ang mga hawak nitong testigo.
Kasama ng Public Attorney’s Office (PAO) sa paghahain ng reklamo ang mga hawak nitong testigo.
ADVERTISEMENT
Dalawang bilang ng murder ang inihaing reklamo ng mga ito, kasama na ang torture, planting of evidence sa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Bagamat sinasabi nina PO1 Perez at PO1 Arquilta na napatay si Arnaiz nang rumesponde sila matapos ma-holdap si Bagcal sa C3 Road sa Caloocan noong madaling araw ng Agosto 18, iba naman ang resulta ng forensic analysis ng PAO.

Ayon sa mga eksperto mula sa PAO, naka-posas at posibleng nakaluhod na si Carl Angelo nang barilin ito ng mga pulis.

Sinasabing magkasama sina Arnaiz at de Guzman bago nangyari ang umano'y panghoholdap kay Bagcal noong Agosto.

Natagpuan ang bangkay ni Arnaiz sa C3 Road sa Caloocan na may mga tama ng bala habang noong Setyembre 6 naman natagpuan ang bangkay ni de Guzman sa isang creek sa Gapan, Nueva Ecija na may 26 na saksak sa katawan.