Driver's license na 5 taon ang bisa, ilalabas sa Agosto 29 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Driver's license na 5 taon ang bisa, ilalabas sa Agosto 29

Driver's license na 5 taon ang bisa, ilalabas sa Agosto 29

ABS-CBN News

Clipboard

Ipamamahagi ng Land Transportation Office (LTO) simula Martes, Agosto 29, ang driver's license card na mayroong five-year validity o limang taon ang bisa.

Sisimulan ang pamamahagi ng mga bagong lisensiya alas-8:30 ng umaga, sa LTO Central Office sa East Avenue, Quezon City.

Natapos na kasi ang pag-iimprenta ng mga lisensiya na gawa ngayon sa polycarbonate plastic.

May mas mahigpit na rin itong security features.

ADVERTISEMENT

Ipamamahagi ang mga bagong lisensiya sa mga nag-apply o nag-renew ng kanilang mga driver's license mula October 17, 2016.

Nitong Agosto 2, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 10930 na nagpapalawig sa bisa ng driver's license nang hanggang limang taon.

Pinirmahan niya rin ang R.A. No. 10928 na nagpapalawig sa bisa ng pasaporte hanggang 10 taon mula sa kasalukuyang limang taon.

Pinag-aaralan na rin ng LTO na bumuo ng online application portal para sa mga driver na gustong mag-renew ng lisensiya at walang record ng paglabag sa anumang batas trapiko.-- Ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.