Passport, driver's license, kapwa mas matagal na ang bisa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Passport, driver's license, kapwa mas matagal na ang bisa

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2017 11:54 PM PHT

Nilagdaan na nitong Miyerkoles, Agosto 2, ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (R.A.) No. 10928 na nagpapalawig sa bisa o validity ng pasaporte hanggang 10 taon mula sa kasalukuyang limang taon.

Inamyendahan nito ang Section 10 ng R.A. No. 8239 o ang Passport Act of 1996.

Sa ilalim ng bagong batas, magiging 10 taon na ang bisa ng regular passport para sa mga edad 18 pataas. Ang mga may edad na 17 pababa naman, bibigyan lang ng pasaporte na may limang taong bisa.

Ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary Marie Banaag, may kapangyarihan din ang Department of Foreign Affairs (DFA) na limitahan ang bisa ng pasaporte kung malalagay sa alanganin ang sitwasyong politikal ng bansa o ang interes pang-ekonomiya nito.

"The Department of Foreign Affairs or the DFA may limit the period of validity to less than 10 years whenever the national economic interest or political stability of the country would be put into question. And that would be the time that the DFA may exercise their prerogative whether to give a 10 years passport or not," ani Banaag.

Inatasan din ng Pangulo ang DFA na magbalangkas ng implementing rules and regulation para sa bagong batas.

Bisa ng driver's license, pinalawig ng hanggang 5 taon
Pirmado na rin ng Pangulo ang R.A. No. 10930 na nagpapalawig sa bisa ng driver's license nang hanggang limang taon.

Inamyendahan nito ang Section 23 ng R.A. No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, na nagsaad ng tatlong taong validity ng driver's license.

Sa ilalim ng inamyendahang batas, maaari ring mabigyan ng lisensiyang may 10 taong bisa kapag nag-renew ang driver ng lisensiyang may 5-year validity kung hindi siya kailanman nagkaroon ng paglabag sa anumang batas pantrapiko.

Libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar, isinabatas
Pirmado na rin ang R.A. No. 10929, o ang "Free Public Internet Access Program".

Ayon kay Banaag, saklaw nito ang mga opisina ng gobyerno, state universities at colleges, mga pampublikong ospital at health center, liwasan, aklatan, paliparan, pier, pantalan at iba pang terminal ng pampublikong transportasyon.

Libre ang Wi-Fi sa mga nasabing lugar sa bisa ng bagong batas.

"The free Internet service provided will be separate from the Internet service used for back-end computer and information systems in government offices, and technical solutions restricting access may be employed when a clear and present technical risk has occurred," ani Banaag.

Sa hiwalay namang isyu, kinompirma ni Banaag ang desisyon ng
Office of Executive Secretary na suspendehin sa loob ng apat na buwan nang walang sahod si Energy Regulatory Commission chairman at CEO Jose Vicente Salazar para sa "insubordination."

--May ulat ni Dharel Placido, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
balita
passport
passport validity
driver's license
driver's license validity
free wifi
free public wifi
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT