Mga residente sa Calanan, pinayuhang lumikas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga residente sa Calanan, pinayuhang lumikas

Mga residente sa Calanan, pinayuhang lumikas

Melinda Ramo,

ABS-CBN News

Clipboard

Tubig sa Ilog Chico sa Barangay Calanan, Tabuk, Kalinga, binabantayan ng mga lokal na opisyal habang apektado ang lugar ng bagyong "Jolina." Melinda Ramo, ABS-CBN News

TABUK, Kalinga – Pinayuhan ng mga awtoridad ang mga residente ng Tullao, Calanan na lumikas na sa mas mataas na lugar matapos tumaas ang lebel ng tubig sa barangay.

Pinangangambahan umano ng mga awtoridad na umabot ang tubig sa mga kabahayan dahil sa ulang dala ng bagyong "Jolina".

Isang riprap ang nagawa noong nakaraang linggo para maagapan ang pag-anod ng tubig. Gayunpaman, hindi pa natatapos ang riprap sa palayan, kaya nangangamba ang mga residente na ito na ang sumunod na anurin ng ilog kung magtutuloy-tuloy ang pag-ulan.

Noong nakaraang taon, dalawang bahay sa naturang barangay ang inanod ng tubig mula sa umapaw na Ilog Chico noong kasagsagan ng tag-ulan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.