'Para sa anak ko': Ama ng binatilyong napatay, handa humarap sa Senado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Para sa anak ko': Ama ng binatilyong napatay, handa humarap sa Senado

ABS-CBN News
Published Aug 19, 2017 11:37 AM PHT
|
Updated Aug 19, 2017 01:57 PM PHT

Handang humarap sa binabalak na pagdinig sa Senado ang ama ng binatilyong napatay sa isinagawang Oplan Galugad nitong Agosto 16 sa Caloocan City.

“Para sa anak ko yun. Yun na lang kaya kong ibigay sa anak ko kasi sinira nila buhay ng anak ko. Hindi man ako manalo at least ipinaglaban ko anak ko, hindi ko siya tinakbuhan,” pahayag ni Saldy Delos Santos, ama ng Grade 11 student na si Kian Loyd.

Plano ni Sen. Bam Aquino na magsampa ng resolusyon upang magkaroon ng imbestigasyon sa Senado hinggil sa pagpatay kay Delos Santos.

Naninindigan ang pamilya ni Delos Santos na walang kinalaman sa droga ang binatilyong napaslang. Base sa spot report ng pulisya, pinaputukan umano sila ng baril ni Delos Santos kung kaya’t napilitan silang barilin ito.

ADVERTISEMENT
Pero iba naman ang ipinapakita ng kuha ng CCTV ng barangay. Sa kuha ng CCTV, makikita ang dalawang nakasibilyang pulis na binibitbit Delos Santos papunta sa direksiyon kung saan siya pinatay.

Ayon sa kanyang ama, malayo sa kanilang tindahan ang lugar kung saan nakita ang bangkay ng kanyang anak.

"Ipinasyal po yung anak ko tapos nakita namin sa camera binitbit nila yung anak ko tapos sinabi nila nakipagbarilan daw yung anak ko. Ang liit liit nun tapos nakaboxer shorts lang po. Paano magkakaroon ng .45 yun?" sabi ni Saldy sa panayam sa DZMM nitong Sabado.

Dahil sa insidente, agad na napauwi ang ina ng binatilyo na may tatlong taon nang nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

“Di pa rin niya matanggap, mahal na mahal niya anak niya. Nagsisikap siya sa abroad para mapag-aral anak niya,” sabi ni Saldy.

Isang araw bago mapatay ang kanya anak ay nakipag-chat pa ito sa kanyang ina at nagpapabili ng bisikleta.

“16 siya pinatay, nung 15 nandito pa yung chat niya nanghihingi siya sa mama niya ng bike lang. Ibili siya ng bike para pag pumasok magba-bike siya kasi malayo yung school dito sa amin sa Valenzuela,” kuwento ni Saldy.

Sa ngayon, hindi pa alam ng pamilya ang sunod na hakbang. Wala pa rin saktong araw kung kalian nila balak ilibing ang kanilang anak.

“Nangutang lang kami ng P5000 para mailabas lang siya doon para maiburol lang siya dito sa amin. Wala pa naman kaming pera kasi yung asawa ko siya ang namasahe para makauwi.”

“Hindi nga namin alam kung saan kukuhain perang pampalibing sa anak ko. Wala pa nga kaming paglilibingan,” sabi niya.

Sinibak na sa puwesto ng National Capital Region Police Office sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at Chief Inspector Amor Cerillo, ang kanilang station commander.

“First step lang po yung ni-relieve natin para makapagbigay daan sa isang imbestigasyon. Pag mag-decide yung pamilya na magdemanda, puwede po silang mag demanda--kriminal--kami naman po yung administrative liability ang tinitingnan namin,” paliwanag ni NCRPO Director Oscar Albayalde.

Nasa kustodiya na ng Regional Holding and Accounting Unit ang mga sinibak na pulis.
Dagdag pa ni Albayalde, hindi dapat ikatakot ng publiko ang nangyari dahil “isolated case” lamang ito.

“Yan po ay isang very isolated case at hindi naman dapat ikabahala o ikatakot ng ating mga kababayan. Ngayon, kung makita po ng mga kababayan natin na mayroong pangaabuso, then I think kailangan po talaga nilang magsumbong kung di po sa local police station, they can go to our office or sa regional headquarters. Kami po ang magbibigay ng seguridad at i-ensure po natin ang kanilang safety kung wala naman po talaga silang ginagawang labag sa batas,” paliwanag ni Albayalde.

Mensahe naman ni Saldy sa bumaril sa kanyang anak na sana ay makonsensiya.

“Ginawa mong baboy anak ko. Babarilin mo doon pa sa putikan, nilublob pa. Walang kamuang-muang. May anak ka. Sana wag mangyari sa anak mo ang nararamdaman namin,” sabi ni Saldy.

Read More:
tagalog news
Oplan Galugad
police operation
Caloocan
Kian Loyd Delos Santos
metro crime
drugs
tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT