ALAMIN: Kailan inirerekomenda ng DOH ang pagsusuot ng face mask sa bahay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Kailan inirerekomenda ng DOH ang pagsusuot ng face mask sa bahay

ABS-CBN News
Published Aug 10, 2020 03:13 PM PHT

MAYNILA — Nitong Lunes ay nagbigay ng abiso ang Department of Health (DOH) na inirerekomenda nila ang pagsusuot ng face mask maging sa loob ng bahay lalo na kung may kasamahan na nagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Ito'y matapos isulong ni Department of the Interior and Local Government Eduardo Año ang pagsusuot ng personal protective equipment (PPE) kahit sa loob ng bahay dahil pami-pamilya na daw ngayon ang hawahan ng bagong coronavirus.

Ayon sa DOH, maaaring magsuot ng face mask sa bahay lalo na kung:

1) May kasama na nagpapakita ng anumang COVID-19 symptoms
2) May kasama na parte ng vulnerable population, tulad ng senior citizens, may medical condition, o immunocompromised

Nauna nang sinabi ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na posibleng mas malaki ang tsansang mahawa ang isang tao ng COVID-19 sa loob ng mismong bahay kaysa labas.

Ito raw ang nakikita nila sa mga bagong kaso ng COVID-19 kung saan pami-pamilya ang nagkakahawahan lalo na sa mga urban poor community.

Sa huling tala ng DOH, sumirit na sa halos 130,000 ang bilang ng nagka-COVID-19 sa Pilipinas hanggang noong Linggo. —Mula sa ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News