COVID-19 cases sa Pilipinas nasa 129,913 na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 cases sa Pilipinas nasa 129,913 na

COVID-19 cases sa Pilipinas nasa 129,913 na

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 09, 2020 06:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Aabot na sa halos 130,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa Pilipinas.

Ito'y matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,109 bagong kumpirmadong kaso ngayong Linggo, dahilan para umakyat ang nationwide total sa 129,913.

Sa kabuuan, 59,970 ang active cases o iyong hindi pa gumagaling sa sakit.

Umakyat naman sa 67,673 ang kabuuang bilang ng mga recovery matapos gumaling sa sakit ang 654 pasyente.

ADVERTISEMENT

May 61 naman bagong naitalang pagkamatay ang DOH kaya umabot sa 2,270 ang death toll.

Nangunguna pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso at active cases ng COVID-19 sa Southeast Asia.

Nauna nang magbabala ang mga researcher mula University of the Philippines na posibleng umabot sa 150,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.