'Overhaul' sa PhilHealth, iminungkahi ng ilang senador | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Overhaul' sa PhilHealth, iminungkahi ng ilang senador

ABS-CBN News
Published Aug 09, 2020 06:49 PM PHT

MAYNILA — Iminungkahi ng ilang senador na baghuin ang mga nasa puwesto at linisin ang buong sistema sa Philippine Health Insurance Corporation kasunod ng mga paratang ng korapsyon sa ahensiya.

Sa kinahaharap ngayong kontrobersiya ng PhilHealth, isang malawakang overhaul ang kinakailangan ng ahensiya, ayon kay Sen. Richard Gordon.

Ayon kay Gordon, dapat ay kuwalipikado ang mamuno sa state-run health insurer.

"Dapat talaga i-overhaul, maraming tatamaan diyan. Kumuha talaga ng marunong sa insurance, marunong magpatakbo niyan, hindi 'yong kahit na sino," sabi ni Gordon sa Teleradyo.

Reorganization din ang hiling ni Sen. Imee Marcos hindi lamang sa mga opisyal kundi hanggang sa mga mas mababang posisyon.

Para kay Sen. Ralph Recto, palitan hindi lang ang mga tao sa PhilHealth kundi ang mismong sistema para tuluyang mawala ang anomalya.

Sa kabila ng nanganganib na pagdalo ng mga PhilHealth executives sa pagdinig sa Senado, tuloy pa rin dapat ang imbestigasyon, ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri.

Umapela rin si Zubiri sa mga may kinalaman sa mga anomalya na lumabas at magsalita para mailantad ang katotohanan.

Noong Sabado, inihayag ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na posibleng hindi siya personal na makadalo sa Senate committee hearing sa Martes dahil kailangan umanong magbakasyon habang kinokompleto ang chemotherapy para sa sakit na lymphoma, isang uri ng kanser.

Nagpadala rin ng sulat at medical certificate sa Senado si PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating officer Arnel De Jesus, na naka-confine umano ngayon sa ospital dahil sa sakit sa puso at diabetes.

Tingin naman ni Senate health committee chairperson Christopher "Bong" Go na dapat i-suspend o tanggalin sa serbisyo ang mga mapatutunayang sangkot sa pandarambong sa PhilHealth para hindi na makaimpluwensiya pa.

Pero para kay Vice President Leni Robredo, dapat suspendehin muna ang mga opisyal ng PhilHealth sa kabila ng mga paratang laban sa kanila para hindi makompromiso ang imbestigasyon.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipagpapatuloy ng task force na binuo ng Department of Justice ang sariling imbestigasyon nito sa PhilHealth, pati ang pag-lifestyle check sa mga opisyal at empleyado.

Inaasahang sa loob ng 30 araw makakapagsumite na ang task force ng kanilang findings sa Office of the President.
Inaasahang sa loob ng 30 araw makakapagsumite na ang task force ng kanilang findings sa Office of the President.
ADVERTISEMENT
Naungkat noong Martes sa Senate hearing ang mga umano'y kadudadudang gawain sa Philhealth na sinasabing aprubado ng mga matataas na opisyal nito.

-- Ulat ni Bettina Magsaysay, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
PhilHealth
PhilHealth corruption
Senate
Richard Gordon
Imee Marcos
Juan Miguel Zubiri
Ralph Recto
Bong Go
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT