Sanhi ng pagguho ng kalsada sa San Mateo, Rizal, inaalam | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sanhi ng pagguho ng kalsada sa San Mateo, Rizal, inaalam

ABS-CBN News
Published Aug 04, 2017 07:20 PM PHT

Nag-inspeksiyon na ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Sta. Barbara Villas 1 sa San Mateo, Rizal upang tingnan kung bakit gumuho ang bahagi ng kalsada nito.

Ayon sa MGB, isa ang bahay ng residenteng si Jun Brian na maaaring maapektuhan sakaling lumala ang pagguho ng lupa dahil ilang metro lang ang layo ng bahay niya mula sa gumuhong lupa.

Nagpapasalamat naman ang mga residente dahil naging maaraw ngayon at hindi masyadong nabibitak ang lupa sa pinangyarihan ng landslide. Pero alerto na sila kapag umuulan.

Paliwanag ni Mike Angeles, Supervising Geologist ng MGB Region 4, may posibilidad na magkaroon ng problema sa underground drainage na maaaring magpalambot ng lupa sa ilalim, at magdulot ng mga bitak sa kongkretong bahagi ng kalsada.

Dagdag pa ng MGB, nakikita nilang posibleng gumalaw ang lupa sa ilalim sa upstream portion kung saan nakatira ang pamilya ni Jun Brian.

Kanina, ipinakita ni Brian sa MGB ang mga crack sa kanyang bahay. Umalis na ang kapitbahay niya dahil sa takot na bumigay ito.

Hindi pa masabi ng MGB kung ang mga crack ng mga bahay ay dahil sa pagguho ng lupa pero indikasyon umano ito na may paggalaw sa lupa.

Dumating din ang Manila Water at Meralco sa Sta. Barbara Villas para suriin ang sitwasyon.

Ilang poste rin ang tinanggalan muna ng wiring para hindi makaperwisyo sakaling gumuho ito pero tiniyak ng Meralco na may supply pa rin ng kuryente sa lugar.

Naglabas naman ng utos si San Mateo, Rizal Mayor Cristina Diaz sa developer ng subdivision na Globe Asiatique na tiyakin ang kaligtasan ng mga homeowners at bigyan ng pansamantalang malilipatan ang mga apektadong residente.

Inatasan din ng lokal na pamahalaan ang developer na agad kumpunihin ang nasirang kalsada, ayusin ang drainage system, at maglagay ng slope protection para hindi na maulit ang insidente.

Sinubukan ng ABS-CBN na kuhanin ang panig ng Globe Asiatique pero hindi pa sila sumasagot sa mga text o tawag ng News team.

-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News
Read More:
Rizal
landslide
balita
pagguho ng Lupa
Tagalog news
PatrolPH
Jasmin Romero
Globe Asiatique
MGB
Mines and Geosciences Bureau
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT