Bahagi ng kalsada sa San Mateo, Rizal, gumuho | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahagi ng kalsada sa San Mateo, Rizal, gumuho

ABS-CBN News
Published Aug 03, 2017 09:18 PM PHT
|
Updated Aug 03, 2017 09:54 PM PHT

Nag-aalala ang mga residente ng Sta. Barbara Villas sa San Mateo, Rizal matapos gumuho ang isang bahagi ng kalsada dahil sa mga pag-ulan.

Gumuho nitong Miyerkoles ng umaga ang bahagi ng isang kalsada sa lugar na halos 100 talampakan na ang lalim.
Makikita sa eksklusibong kuha ng ABS-CBN ang kanal sa ilalim ng isang bahay na unti-unti na ring bumigay. Makalipas pa ang ilang minuto, nag-collapse din ang isang puno.
May mga residente na ring lumikas dahil nag-crack na ang bahay sa ibabaw ng landslide.

Nangangamba naman ang iba pang mga residente dahil maaari silang maapektuhan sakaling tuluyang bumigay ang naturang bahay dahil dikit-dikit lamang ang kanilang mga tirahan.

Tinatayang 10 bahay ang maaapektuhan kung bumigay ang mga bahay.
Tinatayang 10 bahay ang maaapektuhan kung bumigay ang mga bahay.
ADVERTISEMENT
Bukod sa gumuhong bahagi ng kalsada nitong Miyerkoles, pinangangambahan din ng mga residente ang isa pang kalsada na hindi na madaanan matapos bumigay sa kasagsagan ng bagyong 'Ondoy'.

Hindi pa rin kasi nakaaalis ang mga residenteng nakatira sa gilid ng naturang kalsada dahil hinuhulugan pa nila ang kanilang mga bahay.

Humingi na rin sila ng tulong sa lokal na pamahalaan ngunit inabisuhan silang maghintay dahil marami pang gagawing bago.

Sinubukan ng ABS-CBN na kuhanin ang panig ng lokal na pamahalaan pero hindi sila humaharap o tumugon sa text at tawag.

Nagbigay naman umano ng utos si Mayor Cristina Diaz sa mga residente na lisanin ang lugar.
-- Ulat ni Jasmin Romero, ABS-CBN News

Read More:
Rizal
landslide
balita
panahon
TV Patrol
Jasmin Romero
Tagalog news
PatrolPH
pagguho ng lupa
Sta. Barbara
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT