Mayor Parojinog, asawa, di namatay sa blast injury, ayon sa autopsy report | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mayor Parojinog, asawa, di namatay sa blast injury, ayon sa autopsy report

ABS-CBN News
Published Aug 02, 2017 10:36 PM PHT
|
Updated Aug 03, 2017 12:33 AM PHT

Tumutugma sa autopsy report ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Region 10 ang ilang salaysay ni alyas 'Cesar', survivor sa raid na isinagawa ng awtoridad sa bahay ng mga Parojinog noong Linggo ng madaling araw.

Sa resulta ng autopsy report, nagtamo ng blast injury sina Mayor Reynaldo 'Aldong' Parojinog Sr., asawang si Susan, kapatid na si Mona, at kapatid na si Board Member Octavio Parojinog.

Ayon sa survivor sa raid sa bahay ng mga Parojinog na si alyas Cesar, kita niya kung paano hinagisan ng granada at binaril si Mayor Parojinog at asawa niya. Kasama umano siya nang inipon ang mga ito sa isang sulok sa bahay ng alkalde.

Bagama't natamaan ng granada, hindi ang blast injury ang ikinamatay nina Mayor Aldong at kanyang asawa.
Bagama't natamaan ng granada, hindi ang blast injury ang ikinamatay nina Mayor Aldong at kanyang asawa.
ADVERTISEMENT
Ayon kay alyas Cesar, unang binaril si Susan, ang asawa ni Mayor. Binaril si Mayor Aldong pero humarang umano si Octavio kaya nabaril siya at ang alkalde.

"Bumalik ang mga pulis, tiningnan nila, binaril nila 'yung tita ko, 'yung asawa ni mayor... Sabi ni Mayor, "'Wag naman ganyan, sir," kuwento ni Nimfa.

Batay sa autopsy report, nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo si Susan. Walang tama ng baril si Board Member Octavio Parojinog, maging si Mona Parojinog, at pawang blast injury ang kanilang ikinamatay.

Blast injury din ang ikinamatay ng isa pang bodyguard na si Vicente Torregoza. Siya ang nakitaan ng Scene of the Crime Operatives sa crime scene na may 'grenade pin' sa daliri. Hinala ng crime laboratory, ito ang granadang sumabog na ikinaputol ng kanyang dalawang paa.

Iginiit ni Chief Inspector Jovie Espenido na ang mga Parojinog ang naghagis ng granada. Patunay umano ang safety pin sa kamay ng isa sa namatay na bodyguard.

Ayon kay Espenido, madilim ang lugar nang mangyari ang raid. Hindi umano nila matatantiya kung nabaril nang malapitan ang mga Parojinog.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Crime Laboratory na walang nakitang 'sooting' o 'smudging' sa mga sugat na palatandaang binaril nang malapitan sina mayor.

Sa kuwento ni alyas Cesar, nakaligtas siya nang ipahid ang dugo ni Mayor Aldong sa kanyang katawan at may tatlong oras din siyang nagpatay-patayan. Sikat na ang araw nang lumabas siya at humingi ng tulong sa mga nakaabang na rescuers sa labas ng bahay.

Hamon ni Espenido, magsabi ng totoo si alyas Cesar.

Nagpositibo sa paraffin test si Mayor Aldong, gayon din ang mga bodyguard ng alkalde na palatandaan umanong nagpaputok sila ng baril.

Hindi naman kinuhanan ng paraffin test sina Mona at Susan.

--Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
TV Patrol
TV Patrol top
Ozamiz
Ozamiz raid
Aldong Parojinog
Parojinog
PNP Crime laboratory
blast injury
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT