Misa sa NutriAsia factory, nauwi sa gulo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Misa sa NutriAsia factory, nauwi sa gulo

ABS-CBN News
Published Jul 30, 2018 07:26 PM PHT
|
Updated Aug 07, 2019 12:23 PM PHT

Nauwi sa gulo ang isang misang idinaos nitong Lunes ng mga nagra-rally sa tapat ng isang NutriAsia factory sa Marilao, Bulacan.

Ayon sa League of Filipino Students (LFS), sangkot umano ang nasa 50 pulis at guwardiya sa marahas na pagbuwag sa misang nilahukan ng mga manggagawa ng condiments company at militanteng grupo.

Pero itinanggi ni Superintendent Ricardo Pangan, hepe ng Marilao police, na police dispersal ang nangyari.

Ayon kay Pangan, nagsimula ang gulo nang pagbabatuhin umano ng mga nagra-rally ang mga guwardiya sa lugar matapos ang misa.

ADVERTISEMENT
Nasa 19 na nagpoprotesta ang naaresto at ang ilan sa kanila ay nakuhanan ng baril, ayon kay Pangan.

Bineberipika pa ang mga ulat na may droga umanong nakuha sa ilang naaresto, na kasalukuyang hawak ng Meycauayan police.

Dinala rin sa ospital ang mga sugatang guwardiya.

Dagdag pa ng LFS at Anakbayan, bukod sa pagkakaaresto, sinaktan at ikinulong din ang ilan sa kanilang miyembro kabilang ang dalawa sa kanilang opisyal.

May ilang miyembro rin ang mga grupo na nawawala pa.

BREAKING: Isang matandang babae ang malalang nasugatan sa muka matapos magkagulo sa picket pagkatapos ng sinagawang ecumenical service. #BoycottNutriasia pic.twitter.com/oheOr2dTKr
— Anakbayan - UST (@AnakbayanUST) July 30, 2018

Isang duguang matanda ang tila nadamay sa gulo, base sa retratong ibinahagi ng Anakbayan-UST.

Sa isang pahayag, sinabi ng NutriAsia na ikinalulungkot nila na may nadamay pang mga bata at matanda sa gulo.

Umapela ang kompanya na maging kalmada ang mga nagpoprotesta at ang kanilang mga tagasuporta.

Ipinoprotesta ng mga manggagawa ng NutriAsia ang kanilang labor conditions.

Ipinag-utos kamakailan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa NutriAsia na gawing regular ang 80 empleyado mula sa isa nilang contractor.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
protesta
NutriAsia
Bulacan
hanapbuhay
misa
LFS
League of Filipino Students
rally
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT