Lalaking namaril ng siklista sa Quiapo, handa nang sumuko | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking namaril ng siklista sa Quiapo, handa nang sumuko

ABS-CBN News
Published Jul 27, 2016 11:01 AM PHT

MANILA - Nagpahayag na ng kagustuhang sumuko sa Manila Police District (MPD) ang driver ng kotse na bumaril at nakapatay sa naka-alitang siklista sa Quiapo, Manila nitong Lunes.
Ayon kay MPD Director chief Supt. Joel Coronel, nakatanggap sila ng impormasyon na nakahandang magpaliwanag ang driver ukol sa kanyang pagbaril sa bicycle rider na si Mark Vincent Geralde sa P. Casal Street kahapon.

Dagdag ni Coronel, tukoy na ng MPD ang suspek at sasakyan nito batay sa kuha ng CCTV camera sa lugar.

Ilang testigo na rin anya ang lumutang at nagbigay ng kanilang salaysay ukol sa pamamaril.

ADVERTISEMENT
Una nang nagpunta sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) ang isang Nestor Punzalan matapos siyang idawit ng ilang Facebook post sa pamamaril.

Giit ni Punzalan, mali ang kumakalat na plate number ng sasakyan na sangkot sa krimen. Hindi rin daw siya ang lalaking nakunan sa CCTV na bumaril sa biktima.

Dagdag pa niya na pumunta lamang siya sa tanggapan ng NBI para linisin ang kanyang pangalan.
- Ulat ni Dennis Datu, DZMM