ROAD RAGE: Lalaking nakabisikleta patay sa pamamaril sa away-trapiko | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ROAD RAGE: Lalaking nakabisikleta patay sa pamamaril sa away-trapiko

ROAD RAGE: Lalaking nakabisikleta patay sa pamamaril sa away-trapiko

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 26, 2016 06:32 PM PHT

Clipboard

MANILA (UPDATED) - Patay ang isang lalaking sakay ng bisikleta matapos barilin ng driver ng kotse na nakaaway niya dahil sa trapiko sa Quiapo, Manila.

Kitang-kita sa CCTV kung paanong sinugod ng isang lalaking sakay ng Hyundai EON ang isa pang lalaki na nakasakay naman sa bisikleta. Nagpalitan ng suntok ang dalawa ngunit pawang nagka-ayos rin matapos ang ilang minuto.

Nagkamayan pa ang dalawa bilang tanda ng pagkakaunawaan. Ngunit may iba na palang plano ang lalaking nagmamaneho ng kotse.

Paalis na ang nagbibisikleta ng bigla itong habulin at paputukan ng ilang beses ng galit na galit na driver.

ADVERTISEMENT

Kinilala ang biktima na si Mark Vincent Geralde, 35 anyos.

Isang 18 taong gulang na estudyante naman ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.

Nakuhaan man sa CCTV ang insidente, hindi naman kita ang plaka ng sasakyan ng suspek. Umaasa ang mga pulis na mayroong mga testigo na makapagbibigay linaw sa imbestigasyon at nang tuluyan na ring mahuli ang suspek.

Samantala, nagpunta sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti Organized and Transnational Crime Division (AOTCD) ang isang Nestor Punzalan matapos kumalat sa ilang Facebook post ang kanyang pangalan. Siya ang itinuturong bumaril umano kay Geralde.

Ayon kay Punzalan, mali ang kumakalat na plate number ng sasakyan na sangkot sa krimen. Hindi rin daw siya ang lalaking nakunan sa CCTV na bumaril sa biktima.

Dagdag pa niya na pumunta lamang siya sa tanggapan ng NBI para linisin ang kanyang pangalan.

- Umagang Kay Ganda, 26 Hulyo 2016

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.