Duterte, nagpupuyos sa mga nasa likod ng 'Bulacan massacre' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Duterte, nagpupuyos sa mga nasa likod ng 'Bulacan massacre'

Duterte, nagpupuyos sa mga nasa likod ng 'Bulacan massacre'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 02, 2017 12:52 AM PHT

Clipboard

Galit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong nasa likod ng pagpatay sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa founding anniversary ng probinsya ng Davao del Norte, hindi naiwasan ng pangulo na ilabas ang galit sa lalaking umamin sa pagpatay sa limang miyembro ng pamilya Carlos, kabilang ang tatlong bata.

Una na ring inamin ng suspek na si Carmelino Ibañez na naka-droga siya bago ang krimen.

“The grandmother, wife, three children, patay. Anong sinabi, ‘trip trip lang iyon, sir’… Sino namang maligayahan na makita ka na buhay ka? ani Duterte.

ADVERTISEMENT

Samantala, itinuturing na rin ngayong suspek ng pulisya ang dalawang persons of interest na iniugnay ng naarestong si Ibañez sa karumal-dumal na pagpatay sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte nitong Martes.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni San Jose del Monte Chief of Police Fitz Macariola na suspek na rin sa krimen sina alyas "Tony" at alyas "Inggo."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.