2 persons of interest sa Bulacan massacre, itinuturing na ring mga suspek | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 persons of interest sa Bulacan massacre, itinuturing na ring mga suspek

DZMM
Published Jul 01, 2017 03:09 PM PHT

Itinuturing na rin ngayong suspek ng pulisya ang dalawang persons of interest na iniugnay ng naarestong si Carmelino Ibañez sa karumal-dumal na pagpatay sa limang miyembro ng pamilya sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Martes.

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni San Jose del Monte Chief of Police Fitz Macariola na suspek na rin sa krimen sina alyas Tony at alyas Inggo.

“At this point, sila po ay suspect na po dahil meron na pong taong nagsasabi na kasama niyang gumawa doon sa krimen na 'yun. 'Yun nga lang, 'yung extrajudicial confession nitong si Carmelino ay ibinigay na po namin sa prosecutor's office. So sila po ang magsasala kung papasa ito sa lahat ng requirement ng batas,” paliwanag ni Macariola.

Ayon kay Macariola, lumitaw kahapon sa kanilang opisina si alyas Tony pero hindi pa ito maaresto dahil kulang pa sa ebidensya at hindi pa sapat ang testimonya ni Ibañez.

ADVERTISEMENT
Una nang inihayag ni Ibañez sa kanyang extrajudicial confession na ang dalawa ang kanyang mga kainuman bago isagawa ang krimen.

Tanging si Ibañez ang nakakulong sa detention cell ng San Jose del Monte Police Station matapos ma-inquest noong Miyerkules, Hunyo 28.

Ayon pa kay Macariola, nag-negatibo si Ibañez sa drug test na inihayag kahapon ng kanilang regional director, at pinakuha na niya kagabi ang resultang ito.

Inaasahan na rin aniya ang pagkambyo o pabago-bagong pahayag ni Ibañez.

“Kaya hindi tayo umaasa na yung ating kaso sa insidenteng ito ay nakabase lamang sa kanyang pahayag. Dapat naming hanapan ng witnesses aside from his revelation,” sabi niya.

Samantala, nangangamba naman ang Volunteers Against Crime and Corruption sa posibilidad na ma-dismiss ang kaso dahil sa hindi sinunod ang tamang proseso ng imbestigasyon.

“Dapat assisted yan by a lawyer when he talks because 'yung sinabi niya ng una will be hearsay 'pag dating sa prosecution. Even if makalusot sa prosecution because of public clamor, pagdating sa korte, idi-dismiss na,” sabi ni VACC founding chairman Dante Jimenez.