Pacquiao sa banat ni Duterte sa Diyos — ‘Iba-iba ang paniniwala natin’ | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pacquiao sa banat ni Duterte sa Diyos — ‘Iba-iba ang paniniwala natin’

Pacquiao sa banat ni Duterte sa Diyos — ‘Iba-iba ang paniniwala natin’

ABS-CBN News

Clipboard

GENERAL SANTOS CITY—Ipinaliwanag nitong Martes ni Senador Manny Pacquiao na hindi pa niya nababasa ang mga kontrobersyal na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Diyos.

"Hindi ako masyadong na-update sa mga balita sa social media. Narinig ko lang na may statement siya pero hindi ko pa nababasa," ani ng world champion na boksingero na kilalang born-again Christian.

"I heard sa mga pastor na makipag-audience sa kaniya. Dito sa atin, iba-iba ang paniniwala natin. Nirerespeto natin ang bawat isa, ang bawat paniniwala. At kung anuman 'yung malalim na dahilan ay hindi natin alam, kaya hindi tayo puwede magbigay ng comment."

Focus sa paghahanda ngayon ang "Pambansang Kamao" para sa kaniyang laban kontra kay Argentinian fighter Lucas Matthysse.

ADVERTISEMENT

Sa Hulyo 15 nakatakda ang laban ni Pacquiao at Matthysse sa Kuala Lumpur.

Ayaw magpakampante ni Pacquiao kaya pinaghuhusayan niya ang ensayo.

"We're not taking it lightly. Ayaw natin i-underestimate 'yung kalaban natin. I'm sure malaki ang percentage na hindi matatapos ng 12 rounds itong fight na'to," aniya.

Pinawi rin ng senador ang pangamba na hindi matutuloy ang bakbakan taliwas sa mga lumalabas na balita ukol sa usaping pera.

"Maraming nagsasabi hindi matutuloy ang fight. Focus lang tayo dahil 'yang distraction, nandiyan 'yan. Maraming distraction, maraming maiinggit," aniya.

Inaasahang pupunta ang kampo ni Pacquiao sa Malaysia ngayong Hulyo 9 bago ang laban nito kay Matthysse. - ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.