ALAMIN: Proteksiyong dala ng batas para sa mga OFW | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Proteksiyong dala ng batas para sa mga OFW

ALAMIN: Proteksiyong dala ng batas para sa mga OFW

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinagdiwang nitong Huwebes ang Migrant Workers Day bilang pag-alala sa pagsasabatas ng Migrant Workers Act of 1995 at bilang pagkilala sa milyon-milyong overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa isang abogado, ang Republic Act 8042 o mas kilala sa tawag na Migrant Workers Act of 1995 ay batas na nagpapatibay sa karapatan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

"Ang mga land-based at sea-based na manggagawang Pilipino [sa ibang bansa ay] kinikilala ng ating bansa at ng ating mga batas sa kanilang kontribusyon sa remittances," ani Atty. Noel del Prado sa programang "Usapang de Campanilla" ng DZMM.

"Bukod doon, mas mahalaga ang dangal ng Pilipino dahil ang kanilang serbisyo ay isa sa pinahahalagahan," dagdag ni del Prado.

ADVERTISEMENT

Ani del Prado, pinagtitibay ng RA 8042 ang mandato ng mga ahensiya tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pangunahing nangangasiwa sa kapakanan ng mga OFW sa iba't ibang bansa.

Kabilang sa mga serbisyo na puwedeng makuha sa tanggapan ng DFA ay legal assistance na bukas para sa anumang suliranin ng mga OFW.

Kasama rin sa pinagtibay ng batas ang mandato ng Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kani-kaniyang pinangangasiwaan ang mga pribadong ahensiya tulad ng manpower agencies.

Dagdag ng abogado, sa nasabing batas din binase ng Pilipinas ang napagkasunduan sa gobyerno ng Kuwait kamakailan para sa proteksiyon ng mga OFW sa naturang Gulf state.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.