Saan dapat magsumbong kapag minaltrato ng dayuhang amo? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Saan dapat magsumbong kapag minaltrato ng dayuhang amo?

Saan dapat magsumbong kapag minaltrato ng dayuhang amo?

ABS-CBN News

Clipboard

Mahigit dalawang milyong overseas Filipino workers (OFW) ang nagtatrabaho sa iba't ibang parte ng mundo.

Bagaman mataas ang pagtingin ng mga Pilipino sa kanila, may ilan na nakararanas pa rin ng pang-aabuso mula sa kanilang amo.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Executive Director V Arnell Ignacio, dapat ay magsumbong kaagad sa kanilang ahensiya o sa embahada ng Pilipinas ang sino mang makararanas ng karahasan habang nagtatrabaho.

"Ang pinakatama [mong gawin], talagang takbuhan kami. Kasi maiga-guide ka namin nang tama," ani Ignacio.

ADVERTISEMENT

"Memorize-in niya, ilagay niya 'yung numero ng OWWA," dagdag nito.

Labag sa batas ang pagtatago ng mga personal na gamit ng domestic helper. Kabilang na dito ang passport at cellphone.

Ito kasi ang dahilan ng maraming OFW kung bakit hindi nila maiwanan ang mga abusadong amo.

"I-report mo kaagad kung sakaling sinaktan ka. Tumakbo ka sa pulis, at coordinate ka kaagad sa POLO (Philippine Overseas Labor and Office) OWWA," sabi ni Ignacio.

Kung hindi makakalabas, maaaring gamitin ang social media para magpadala ng reklamo.

"Kami naglalagay ng kung ano-anong paraan kung paano mo kami mako-contact. Like sa FB messenger na laging platform na gamit-gamit ng mga OFWs natin. Meron tayo sa page ko, Arnell Ignacio OFW page, dito sa OWWA, meron din tayong page sa ganiyan," ani Ignacio.

Kung may kapamilyang OFW na minamaltrato, maaari din magsumbong sa OWWA o sa employment agency na nakabase sa Maynila.

Isama ang mahahalagang detalye tulad ng address ng pinagtatrabahuhan, pangalan ng amo at pangalan ng OFW.

-- Ulat nina Jeff Canoy at Toph Doncillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.