Distressed OFWs sa shelter sa Kuwait, higit 1,000 na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Distressed OFWs sa shelter sa Kuwait, higit 1,000 na

Maxxy Santiago,
ABS-CBN North America News Bureau
Published Apr 05, 2018 04:46 PM PHT
|
Updated Jan 16, 2019 04:01 PM PHT

KUWAIT CITY - Umabot na sa higit 1,000 ang bilang ng distressed overseas Filipino workers (OFWs) na nasa shelter ng Philippine Overseas Labor Office-Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) dito.
Ito na umano ang pinakamaraming bilang ng wards na naitala sa buong kasaysayan ng POLO-OWWA shelter sa Kuwait at maging sa lahat ng OFW shelters sa buong mundo.

Karamihan sa mga nasa shelter ay biktima umano ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso ng mga amo. Siksikan at marami sa kanila ay nagkakasakit na.

Kasama sa mga nasa shelter sina “Mila” at “Aisa.”

“Dami na po iyong nagkahawa-hawa dito, ‘yong ubo at saka sipon,” sabi ni Mila.
“Dami na po iyong nagkahawa-hawa dito, ‘yong ubo at saka sipon,” sabi ni Mila.
ADVERTISEMENT
Maging si Aisa ay nahawa na rin umano.
Maging si Aisa ay nahawa na rin umano.
“Nagka-allergy po ako sa kamay at katawan. Tumakas ako. Mayroon po akong ubo at sipon at palagi po akong nanghihina,” sabi niya.

Nagsama-sama ang ilang Filipino organizations sa Kuwait para sa isang medical mission.

“Itong medical mission natin was initiated by the ambassador. He gave his instruction sa atin nga to organize the medical mission para mapangalagaan iyong kalusugan ng ating mga wards and nag-respond naman ‘yong Filipino community,” sabi ni Nestor Burayag, officer-in-charge ng POLO.

Kabilang sa mga rumesponde ang grupo ng mga Pinoy nurse.

“Mayroon pong around 1,300 po na kababayan na nandito sa POLO ngayon at marami pong mga cases ng ubo, sipon, mayroon pong mga lagnat…Tulong-tulong na po iyong mga nurses natin at volunteer doctors natin na mostly Kuwaitis po na pumunta para magbigay ng tulong,” sabi ni Robert Bulquiren, president ng Pinoy Ambulance Nurses in Kuwait.

Laking pasalamat naman ni Amila Ismani, presidente ng Sandigan-Kuwait, sa lahat ng mga taong tumulong sa kanila.

“Sa mga taong sumuporta, sa mga groups na hindi kami pinabayaan mula pag-repacking hanggang ngayon, lalong-lalo na sa mga doctors at nurses na naglaan ng kanilang oras. Isang napakalaking bagay at napakalaking tulong na habang buhay naming ipagpapasalamat dahil nakatulong kami sa maraming OFWs," aniya.

Bukod sa libreng check-up, may mga libreng gamot din para sa mga wards.

“It feels really nice to help a lot of people,” sabi naman ng volunteer doctor na si Dr. Tess James.

Para ma-decongest ang shelter, inilipat ang may higit 300 sa isa pang bagong shelter. Bagama’t tuloy-tuloy ang repatriation ng wards, patuloy din ang pagtakbo ng mga distressed OFWs sa shelter.

“On the average, [may] 20 to 30 a day na dumarating. Nakakapag-repatriate man tayo, mabilis nare-replenish. May commitment naman sila to help us repatriate lahat ng nasa shelter at ang suporta naman ng gobyerno natin sa Pilipinas, tuloy-tuloy naman. In fact, nagpadala na sila ng mga additional funds para ‘yong mga tickets dito na natin bilhin para mas mabilis,” dagdag pa ni Burayag.

Nangako naman si Migrant Workers Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, na bumisita sa Kuwait kamakailan, na tutulong ang Department of Foreign Affairs.

“The embassy is always here for everyone to render assistance. ‘Yung repatriation po libre ‘yon. ‘Yung shipment of remains libre ‘yon, ‘yung medical repatriation libre din ‘yon,” sabi niya.

Bukod sa mga wards sa shelter, puspusan din ang pagpapauwi ng embahada sa mga undocumented OFWs sa ilalim ng Kuwait amnesty program na magtatapos ngayong Abril 22.

Patuloy ang pag-uusap sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait tungo sa isang kasunduan para masiguro ang maayos na trato sa mga OFWs sa Gulf state.

Ito'y bunsod ng mga kaso ng pagpatay at pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino doon, kabilang na si Joanna Demafelis, na natagpuang patay sa isang freezer sa abandonadong apartment sa Kuwait noong Pebrero.

Nagpapatupad ngayon ng deployment ban ang Pilipinas hangga't hindi pa nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Demafelis at habang hindi pa nalalagdaan ang kasunduan para sa mga OFWs.