VIRAL: Batang-Payatas na nais mag-aral pero kapos sa pera | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Batang-Payatas na nais mag-aral pero kapos sa pera

VIRAL: Batang-Payatas na nais mag-aral pero kapos sa pera

ABS-CBN News

 | 

Updated May 25, 2018 09:08 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging usap-usapan sa social media ang larawan ng isang bata sa Payatas, Quezon City dahil sa kahilingan nitong makapag-aral.

Ayon sa nag-upload ng retrato na si Aris Villavieja, hindi umano niya inakala na magiging viral ang isa sa mga larawang kinuha niya habang gumagawa ng proyekto para sa eskuwelahan.

Makikita sa larawan ang apat na taong gulang na si Mantang.

"I will never forget these five words she said to me [that] broke my heart. 'Nag-aaral ka? Sana ako rin,'" ani Villavieja sa kaakibat na caption ng larawan.

ADVERTISEMENT

"Naisip ko ang daming estudyante [but] we take school for granted," ani Villavieja sa panayam ng ABS-CBN News.

Bunso si Mantang sa anim na magkakapatid at isa lamang sa kanila ang pumapasok sa paaralan dahil sa kakulangan sa pera.

"Paano 'yong project nila, uniporme...Iyong isa nga pumapasok walang baon," hinaing ni Mary Jane Moraña, ina ni Mantang.

Naantig naman ang ilang netizen na nakakita sa larawan at nagpaabot na ang mga ito ng kagustuhan na tumulong sa pamilya ni Mantang.

Ayon sa Department of Education (DepEd), may mga paraan umano na ginagawa ang gobyerno upang matugunan ang kakulangan sa pondong pampa-aral ng mga nagmula sa mahihirap na pamilya.

"We practice inclusive education...at nandiyan din ang conditional cash transfer para sa pinakamahihirap," ani DepEd undersecretary Jesus Mateo.

-- Ulat ni Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.