Teo hindi pinagbibitiw ni Duterte: abogado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Teo hindi pinagbibitiw ni Duterte: abogado

ABS-CBN News
Published May 08, 2018 10:56 AM PHT
|
Updated May 08, 2018 11:16 AM PHT

Hindi pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Tourism Secretary Wanda Teo, salungat sa kumalat na balita matapos ang Cabinet meeting nitong Lunes, ayon sa abogado ng kalihim.

Sa panayam sa programang "Failon Ngayon" sa DZMM, inamin ni Atty. Ferdinand Topacio na nagpulong ang kliyente niyang si Teo at ang Pangulo, ngunit naging "matiwasay" daw ito at walang naging "demand" na pagbibitiw.

"Naka-usap ko po si Secretary Wanda kanina pong bandang 5:30 ng umaga at sabi niya na bagama't nag-usap sila ni Pangulo, wala naman daw demand mula kay Pangulo na siya ay mag-resign," ani Topacio.

Ipinaliwanag lang umano ni Duterte kay Teo na may nagaganap na imbestigasyon laban sa kaniya.

ADVERTISEMENT
"Actually ang description niya ay 'it was cordial' at ganon lang po. Wala namang sinabing ikaw ay mag-resign ka na or anything of that manner."

Nagulat din aniya ang kaniyang kliyente sa kumalat na balita dahil iilan lamang silang nagpulong kasama ang Pangulo.

"Nagtataka nga po siya saan nanggaling 'yun sapagkat limitado lamang iyong nandodoon sa kanilang meeting," ayon kay Topacio.

Mainit na usapin ngayon ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni Teo matapos umano niyang paboran ang kompanya ng kaniyang mga kapatid, na sinasabing kumita ng nasa P60 milyon mula sa kaban ng DOT.

Bukod pa riyan, binabatikos rin si Teo nang matuklasang ang kaniyang asawa ay may posisyon sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), isang opisina sa saklaw ng DOT.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
Wanda Teo
DOT
Tulfo
Department of Tourism
Ferdinand Topacio
corruption
PTV
advertisement
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT