'Pagsasauli ng mga Tulfo sa P60 milyon, di sapat'; Wanda Teo, pinagbibitiw | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Pagsasauli ng mga Tulfo sa P60 milyon, di sapat'; Wanda Teo, pinagbibitiw

ABS-CBN News
Published May 08, 2018 12:23 AM PHT
|
Updated May 08, 2018 04:21 AM PHT

Sinugod nitong Lunes ng mga miyembro ng Akbayan ang tanggapan ng Department of Tourism (DOT) para igiit ang pagbibitiw sa puwesto ni DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Dapat daw mapanagot si Teo sa nangyari sa pera ng kaniyang ahensiya.

Kasabay nito, napagkasunduan ng pamilya Tulfo na isasauli ng Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) Ang P60 milyong kinita sa pag-ere sa programa nito sa PTV ng commercials ng DOT.

Pag-aari ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo ang BMUI.

ADVERTISEMENT
Nauna nang sinita ng Commission on Audit (COA) ang transaksiyon dahil kulang sa papeles.

Maglulunsad ng imbestigasyon ang DOT para alamin kung ano'ng nangyari dahil hindi umano alam ni Teo na sa programa ng kapatid eere ang ads ng DOT.

"Sabi nila they wanted to show their good faith and their good will and their intention to show na there were no shenanigans dito. Everything was aboveboard in fact even COA is not investigating the payment to Bitag. COA is merely asking for supporting documents," ani Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teo.

Pero hindi kontento dito sina Act Teachers Rep. Antonio Tinio at Akbayan Rep. Tom Villarin na nanindigang mag-resign na si Teo.

Para sa dalawang mambabatas, hindi mabubura ng pagsasauli ng pera ang pananagutan sa transaksiyon.

"... returning the money is an admission of guilt. It will not efface the accountability of Sec. Teo for the improper transaction. She should still resign," pahayag ni Tinio.

"The best option still is for Secretary Teo to resign so she won't force the hand of President Duterte to axe her," pahayag ni Villarin
Ayon naman sa Palasyo, kahit ano'ng mangyari, ang Pangulo lang ang masusunod kung mananatili sa puwesto si Teo.

Nito rin lang Lunes, nagkaharap at nag-handshake sina Duterte at Teo sa Malacañang bago ang pagsisimula ng pulong ng gabinete.

TINGNAN: Pang. Duterte at Tourism Sec. Wanda Teo bago magsimula ang 25th Cabinet Meeting sa Malacañan (📷 SAP Bong Go) | via @dzmmRP45 pic.twitter.com/LqalRrOmCJ
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) May 7, 2018

Naghain naman ng resolusyon si Senador Nancy Binay para imbestigahan ng Senado ang media advertising budget ng DOT.

Kasabay nito, inihayag rin ni Topacio na tuluyan nang aalis ang asawa ni Teo na si Roberto Teo bilang member ng Board of Directors ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Una nang nabatikos na conflict of interest ito dahil chairperson ng TIEZA si Wanda Teo sa bisa ng kaniyang pagiging kalihim.

Pero iginiit nina Topacio at Roque na appointee ni dating Pangulong Noynoy Aquino si Roberto Teo sa Tieza at nagresign na siya nang magpalit ng administrasyon.

Hindi pa siya pinapalitan ni Duterte kaya pumapasok pa rin siya sa TIEZA.

Pero mawala man ngayon sa TIEZA, taong 2017 pa nakaupo si Roberto Teo bilang member of the board ng Landbank of the Philippines.

Ayon pa kay Topacio, hindi saklaw ng pagbabawal sa double compensation ang pag-upo sa board ng iba't ibang kompanya ng gobyerno. -- Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
RG Cruz
balita
isyu
kontrobersiya
Wanda Teo
Tulfo brothers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT