Teo, Andanar, kasama sa iniimbestigahan sa isyu ng DOT ads | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Teo, Andanar, kasama sa iniimbestigahan sa isyu ng DOT ads

ABS-CBN News
Published May 02, 2018 10:54 PM PHT
|
Updated May 02, 2018 11:28 PM PHT

Partikular na nakasaad sa kasunduan na dapat umere ang commercials sa show ng Tulfo brothers

Inaalam na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga detalye ng kontrobersiya ng milyon-milyong Department of Tourism (DOT) ads.

Kasama sa inaalam ang kaugnayan nina Tourism Secretary Wanda Teo at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa DOT commercials na napunta sa programa ng Tulfo brothers na mga kapatid ni Teo.

Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, gustong malaman ng pangulo ang buong kuwento sa mahigit P60 milyong commercials na unang nasilip ng Commission on Audit (COA) sa report nito.

"Inaalam namin ang buong story po. Lahat sila," pahayag ni Go.
"Inaalam namin ang buong story po. Lahat sila," pahayag ni Go.
ADVERTISEMENT
Nasa ilalim ng PCOO ang People's Television Network Inc. (PTNI) o ang PTV-4.

Gaya naman ng naunang sinabi, inulit ni Teo na hindi kontrolado ng DOT kung saang programa ilalagay ng PTNI ang commercials ng DOT.

Wala rin aniya siyang kinalaman sa kontratang ginawa ng PTNI.

"When we made the contract with PTV-4, it was testified that our contract was only between PTV-4 and DOT. Wala pong ibang... ini-specifiy namin do'n," ani Teo.

"Tanungin nila ang PTV-4... kasi ang kontrata namin was purely on PTV. Beyond that, dapat ang managot is PTV-4. Kasi wala naman akong sinabing 'you give this, you give that.' Basta kami ang kontrata namin is PTV-4. Kung saan nila ibinigay, wala nang pakialam ang DOT," sabi pa ni Teo sa panayam ng DZMM noong Abril 29.

Pero sa report ng COA sa PTNI, lumalabas na may pinirmahang kasunduan ang DOT at PTNI na sa programang "Kilos Pronto" ng Bitag Media Unlimited, Inc. (BMUI) ni Bienvenido "Ben" Tulfo pinalalagay ang TV spot ng ahensiya.

Saad ng bahagi ng report:
Saad ng bahagi ng report:
"The MOA on file was between PTNI and DOT, specifically requiring PTNI to air a 6-minute segment buy in PTVs Daily News-type magazine segment, Kilos Pronto, plus a 3-minute DOT spot within the program. There were no provisions for the airtime rates per segment/spot and such other terms and conditions of the commercial advertisement specifically as regards the manner of payment."
Sinisingil din ng COA ang mga kakulangan sa dokumento ng transaksiyon gaya ng kontrata sa pagitan ng BMUI at PTNI, mga basehan ng mga binayaran, at patunay na umere ang commercials.

Bago nito, sinabi ni Teo na naniniwala siyang pinalutang ang isyu sa commercial ads ng ilang apektado ng pagsasara ng Boracay at iba pang nakabangga ng magkakapatid na Tulfo.

'TEO, RESIGN'
Nanawagan naman ang ilang kongresista na dapat nang magbitiw sa pagiging kalihim si Teo.

"Delicadeza demands na si Secretary Teo must resign. You [Teo] have the authority to sign at kung nabasa mo man 'yong kontrata na sa kapatid mo [mapupunta ang commercials], ano na 'yon, delicadeza demands na huwag mo na ituloy 'yon," ani Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.

"Mayroon ba ditong naniniwala na di raw niya [Teo] alam na mapupunta o mapakikinabangan ng kaniyang mga kapatid sa pamamagitan ng kanilang programa ang pondong ito?" sabi naman ni Act Teachers party-list Rep. Antonio Tinio.

Sa isang Facebook post, iginiit naman ni Ben Tulfo na suportado ng mga kaukulang dokumento ang commercials ng DOT na lumabas sa "Kilos Pronto."

"Patungkol sa PTV, lahat ay above board [sic] ang transaksiyon ng BMUI sa PTV4. Kumpleto kami sa mga papeles na aming pinirmahan at lahat ng mga requirement sa proseso sa loob ng gobyerno," saad ng bahagi ng post ni Tulfo.

-- Ulat ni RG Cruz, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
RG Cruz
balita
Department of Tourism
DOT
Wanda Teo
Tulfo brothers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT