Isyu sa DOT ads, banat ng kalaban dahil sa Boracay: Teo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isyu sa DOT ads, banat ng kalaban dahil sa Boracay: Teo

ABS-CBN News
Published Apr 30, 2018 11:56 PM PHT

Maaaring pinalutang ng ilang apektado ng pagsasara ng Boracay at iba pang nakabangga ng magkakapatid na Tulfo ang isyu sa commercial ads ng Department of Tourism (DOT), ayon sa kalihim nito.

Sabi ni DOT Secretary Wanda Teo, inasahan niya nang masasapul siya ng kontrobersiya matapos isara ang isla ng Boracay sa mga turista sa loob ng anim na buwan.

"Noong isinara ang Boracay, I knew it was coming. In fact, I had death threats although hindi na lang po ako umiimik. Marami po kasing natamaan sa pag-close ng Boracay," ani Teo.

Hindi rin aniya isinasantabi ang posibilidad na nag-ugat ang kontrobersiya sa DOT ads sa kaniyang pagsibak sa isang undersecretary, ilang matatalim na komentaryo ng kaniyang mga kapatid na Tulfo brothers laban sa ilang politiko, gayundin ang survey na nagpapakitang kabilang si Erwin Tulfo sa mga nanguguna para sa pagka-senador sa halalan sa 2019.

Naniniwala naman si Teo na walang kinalaman ang bagong panumpang DOT undersecretary na si Jose Gabriel "Pompee" La Viña sa isyu, taliwas sa sinabi ng kapatid ng kalihim na si Ben Tulfo.

Sa social media live post ni "Bitag" host Ben nitong Abril 29, inginuso niya si La Viña na nag-leak umano ng naturang Commission on Audit (COA) report sa tinawag niyang "dilawang media."

Bintang pa ni Ben, gustong palitan ni La Viña ang kapatid na si Teo sa DOT kaya humanda raw ang dating SSS commissioner sa pagresbak nilang mga Tulfo.

"Hindi naman ako maniwala na gagawin iyan ni Usec. Pompee iyan. Iba naman ang kapatid ko, iba rin ako," ani Teo.

"For anyone to claim that I have any influence over the COA, I don't know what their basis is... That's not my ambition in life to be secretary of Tourism (Hindi ko alam ang basehan ng sinumang magsasabing may impluwensiya ako sa COA, hindi ko ambisyong maging kalihim ng DOT)," ani La Viña.

Tinukoy sa isang report ng COA ang P60 milyong halaga ng advertisements ng DOT na idinaan sa media outfit na pag-aari ng Tulfo brothers.

Ayon sa COA, hindi suportado ng mga naaayong dokumento ang naturang ad placements na lumabas sa "Kilos Pronto," isang programang produced at hino-host ng mga kapatid ni Teo na sina Ben at Erwin.

Blocktimer ang naturang programa sa government station na PTV 4.

Saad ng report ng COA:
Saad ng report ng COA:
"Payments made to Producer/Blocktimer, Bitag Media Unlimited, Inc. (BMUI) in the total amount of P60.010 million, representing segment buy and spot placement in airing the Department of Tourism's (DOT's) commercial advertisements were not supported with proper documents such as the Memorandum of Agreement (MOA) and Certificate of Performance (COP) contrary to Section 4 of PD 1445 and COA Circular No. 2012-001 dated June 14, 2012."
Nitong Lunes, muling iginiit ni Teo na wala siyang kinalaman sa pagbibigay ng bayad para sa commercials sa programa ng kaniyang mga kapatid.

"Wala na po akong pakialam kung ilalagay nila sa kapatid ko. There is no conflict of interest because at the end of the day, the contract was between PTV-4 and DOT," aniya.

Pinasisiyasat na rin ng Malacañang ang kontrobersiya.

"I can assure you it will be looked into. The Palace is looking into the matter," ani presidential spokesperson Harry Roque.

Sa isang statement, inisa-isa ng People's Television Network Inc. (PTNI) ang lahat ng supporting documents nila sa naturang transaksiyong nangyari noong 2017.

"PTNI wishes to clarify that the said payments are supported by complete documents as required by COA Circular No. 2012-001 namely: (1) Contract between PTNI and BMUI; (2) Certificate of Performance; (3) duly approved Budget Utilization Request (BUR); and (4) Billing Statement detailing the deliverables," pahayag ng PTNI.

Nanindigan din ang PTNI na nilinaw na nila sa COA ang mga naturang isyu sa kanilang report.

"All other issues and matters stated in these reports have already been addressed and clarified with the Commission on Audit ("COA") during the recently held Exit Conference between COA and PTNI."

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
TV Patrol Top
Sherrie Ann Torres
balita
Department of Tourism
DOT
Wanda Teo
Tulfo brothers
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT