P60 milyong halaga ng DOT ads sa media outfit ng Tulfo brothers, tinukoy sa COA report | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P60 milyong halaga ng DOT ads sa media outfit ng Tulfo brothers, tinukoy sa COA report

ABS-CBN News
Published Apr 29, 2018 07:13 PM PHT
|
Updated Apr 30, 2018 05:43 PM PHT

Itinanggi ni Tourism Secretary Wanda Teo na alam niyang mapupunta sa programa ng mga kapatid ang bayad sa commercials

MAYNILA -- Tinukoy sa isang report ng Commission on Audit (COA) ang P60 milyong halaga ng advertisements ng Department of Toursim (DOT) na idinaan sa media outfit na pag-aari ng Tulfo brothers, mga kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo.

Ayon sa COA, hindi suportado ng mga naaayong dokumento ang naturang ad placements na lumabas sa "Kilos Pronto," isang programang produced at hino-host ng mga kapatid ni Teo na sina Ben at Erwin Tulfo.

Blocktimer ang naturang programa sa government station na PTV 4.

Saad ng report ng COA:
Saad ng report ng COA:
ADVERTISEMENT
"Payments made to Producer/Blocktimer, Bitag Media Unlimited, Inc. (BMUI) in the total amount of P60.010 million, representing segment buy and spot placement in airing the Department of Tourism's (DOT's) commercial advertisements were not supported with proper documents such as the Memorandum of Agreement (MOA) and Certificate of Performance (COP) contrary to Section 4 of PD 1445 and COA Circular No. 2012-001 dated June 14, 2012."
Noong nakaraang taon, nagbayad ang PTV 4 sa "Bitag: ng P22.09 milyon noong Mayo, P18.96 milyon noong Nobyembre, at P18.96 milyon noong Disyembre.

DEPENSA NI TEO
Iginiit naman ni Teo na wala siyang kinalaman sa pagbabayad at paglalagay ng commercial sa programa ng mga kapatid.

Ani Teo, ang kasunduan ay sa pagitan ng DOT at PTV 4 at wala siyang kontrol kung saang programa ilalagay ng PTV 4 ang commercials.

"Tanungin nila ang PTV-4... kasi ang kontrata namin was purely on PTV. Beyond that, dapat ang managot is PTV-4. Kasi wala naman akong sinabing 'you give this, you give that' basta kami ang kontrata namin is PTV-4. Kung saan nila ibinigay, wala nang pakialam ang DOT," ani Teo.

Hindi pa rin daw sila lubos na nakapag-uusap ng kapatid na si Ben ukol sa isyung ito.

Inirekomenda naman ng COA na magbigay ang pamunuan ng People's Television Network ng kopya ng MOA sa pagitan ng PTV at BMUI.

Hiningi rin ng COA ang kopya ng COP sa pag-eere ng mga commercial ng DOT, billing statement at iba pang dokumentong susuporta sa kabuuang halagang ibinayad sa BMUI, at budget utilization request na pirmado ayon sa pondong nakalaan.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
DZMM
Department of Tourism
DOT
Wanda Teo
Tulfo brothers
Bitag
Erwin Tulfo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT