Abugado ni Matobato, inihahanda na ang kaso laban kay Duterte sa ICC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Abugado ni Matobato, inihahanda na ang kaso laban kay Duterte sa ICC

Abugado ni Matobato, inihahanda na ang kaso laban kay Duterte sa ICC

Raya Capulong,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 10, 2017 06:12 PM PHT

Clipboard

Philippine President Rodrigo Duterte gestures while speaking during a late night news conference at the presidential palace in Manila, Philippines January 30, 2017. Ezra Acayan, Reuters

Inihahanda na ni Jude Sabio, abugado ni Edgar Matobato, ang ihahaing kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.

Ayon kay Sabio, lilipad siya ngayong buwan patungo ng The Netherlands para maghain ng kasong crimes against humanity laban kay Pangulong Duterte.

Dati nang iniugnay ni Matobato si Duterte sa umano'y Davao Death Squad DDS) na nagsasagawa umano ng pagpatay sa Davao City.

Noong Huwebes, sumuko si Matobato sa Manila Police District at nagpiyansa para sa kasong frustrated murder.

ADVERTISEMENT

Kinasuhan si Matobato dahil sa tangka niya umanong pagpatay kay Abeto Salcedo Jr., isang reitradong opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) noong 2014.

Ani Sabio, gagawin nilang batayan ang report ng Amnesty International at Human Rights Watch na kumukundena sa libu-libong pagpatay sa bansa sa ilalim ng termino ni Pangulong Duterte dahil sa inilunsad na gyera kontra droga.

May mga miyembro rin daw ng DDS ang posible pang lumantad kasunod ng pag-amin ni retired SPO3 Arturo Lascanas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.