'Bintang ni Sotto, di pa sapat para sabihing nagkadayaan' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Bintang ni Sotto, di pa sapat para sabihing nagkadayaan'

'Bintang ni Sotto, di pa sapat para sabihing nagkadayaan'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Handang makipagtulungan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado kung magsasagawa ito ng imbestigasyon sa mga umano'y iregularidad noong nakaraang halalan.

Pero ayon sa Comelec, ang mga ipinakitang dokumento ni Senate Majority Leader Vicente "Tito" Sotto III ay hindi pa sapat upang ganap na sabihing may dayaan ngang naganap.

"We need to set aside the allegations and his interpretations of the allegations...In his speech, there are no indications of what the allegations said and contained," ani Comelec spokesperson James Jimenez.

Ayon kasi sa impormante ni Sotto, nagkaroon umano ng early transmission ng resulta ng mga boto sa ilang voting precincts noong Mayo 8, 2016.

Pero paglilinaw ni Jimenez, kahit sa mismong araw ng halalan, nagsagawa pa rin ng final testing at sealing ang ilang presinto.

ADVERTISEMENT

"Hindi siya maglalabas ng enough votes to be mistaken as an actual precinct outcome...Test data can't be mistaken for actual data. If you just say there was data received, you're lacking a significant part of context," paglilinaw ni Jimenez.

Kulang din daw ang detalye na ibinigay ng senador kaugnay ng alegasyon na nagkaroon ng "foreign access" sa local election server.

Paliwanag ni Jimenez, ang paggamit nila ng cloud service ay para sa seguridad ng datos na kanila namang pinapakita sa results website.

Nakipag-ugnayan na ang Comelec sa opisina ni Sotto para makita ang kaniyang mga dokumento at makagawa na ng sariling imbestigasyon.

Wala naman daw magiging epekto ang mga gagawing imbestigasyon sa nakatakdang barangay at Sangguniang Kabataan elections dahil hindi ito automated.

Gayumpaman, aminado si Jimenez na kung may mapapatunayan mang iregularidad sa nagdaang eleksyon, maaaring maapektuhan ang timeline ng susunod na halalan sa 2019.

"For the midterm elections, that’s something that we have to find out. If something nefarious is indeed found, then certainly the timeline will be affected," ani Jimenez.

--Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.