Barangay, SK elections, tuloy na sa Mayo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay, SK elections, tuloy na sa Mayo

ABS-CBN News
Published Feb 06, 2018 06:19 PM PHT
|
Updated Aug 08, 2019 12:48 PM PHT

Barangay at SK elections, tuloy ngayong Mayo 2018 | Ulat ni @zhandercayabyab pic.twitter.com/Pu8iMyokwl
— DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo) February 6, 2018

Matapos ang pagkaantala, tuloy na sa Mayo ang eleksiyon para sa mga posisyong pang-barangay at Sangguniang Kabataan (SK).

Matatandaang dalawang beses hindi natuloy ang barangay elections mula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa joint press conference ng Commission on Elections (Comelec) at Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes, sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na magaganap ang barangay at SK elections sa Mayo 14.

Isang barangay kapitan at 7 kagawad habang isang SK chairperson at 7 kagawad ang kailangang iboto.
Isang barangay kapitan at 7 kagawad habang isang SK chairperson at 7 kagawad ang kailangang iboto.
ADVERTISEMENT
Ang filing ng certificate of candidacy ay nakatakda sa Abril 14-20 habang ang election period naman ay magsisimula sa Abril 14 hanggang Mayo 21.

Samantala, ang campaign period ay magaganap sa Mayo 4-12.

Inilunsad din ng DILG ang "Matino, Mahusay, at Maasahan" information drive para ipalaganap sa mga botante na huwag nang iboto ang mga opisyal na adik, nagbibigay-proteksiyon sa drug lord, mga kataka-takang nakapagpapatayo ng magarang bahay habang nasa puwesto, at iba pa.

Inihayag naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi dapat magtaka kung ang petsang nakaimprenta sa balota ay Oktubre 2017 dahil ito ang mga unang balota na naimprenta na at hindi na ipinaulit.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Ron Gagalac, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
tagalog news
Halalan
barangay
SK
eleksiyon
Sangguniang Kabataan
DILG
TV Patrol
Ron Gagalac
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT