Pansamantalang pagpapasara sa Boracay, target simulan sa Hunyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pansamantalang pagpapasara sa Boracay, target simulan sa Hunyo

Pansamantalang pagpapasara sa Boracay, target simulan sa Hunyo

ABS-CBN News

Clipboard

Nanindigan sina Tourism Secretary Wanda Teo at Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año na isara ng dalawang buwan mula sa mga turista ang Boracay para magbigay daan sa rehabilitasyon ng isla.

"Kasi if hindi total closure, siyempre mag-aayos tayo ng kalsada, drainge and then magbabakbak so delikado pa na may mga turistang matatamaan while the demolition is going on," ani Teo.

Kasama nina Teo at Año si Environment Secretary Roy Cimatu nitong Huwebes na magsagawa ng aerial inspection ng isla.

Nakita mismo ng mga opisyal ang mga dikit-dikit na establisimyento at lampas sa boundary na mga estruktura.

ADVERTISEMENT

"Talagang deterioration of Boracay," sabi ni Teo.

Target ng Department of Tourism at Department of the Interior and Local Government na ipatupad ang temporary closure order mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 31.

May mensahe naman si Teo sa mga nangangambang mawalan ng pagkakakitaan sa pagpapasara ng isla.

"It is time for iyong may mga hotel to upgrade their hotels and resort habang inaayos ang Boracay... ayusin nila then there would still be employment," aniya.

Una nang inamin ng pamahalaang lokal ng Malay, Aklan na wala silang alternatibong hanapbuhay para sa mga empleyado ng Boracay na maaapektuhan kapag ipinasara ang isla.

Sa Biyernes magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa isyu ng Boracay.

-- Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.