Pangamba sa Boracay: libo-libong mawawalan ng pagkakakitaan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pangamba sa Boracay: libo-libong mawawalan ng pagkakakitaan

Pangamba sa Boracay: libo-libong mawawalan ng pagkakakitaan

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 28, 2018 10:32 PM PHT

Clipboard

Boracay Island. Kuha ni Nony Basco

Inamin ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na wala silang maibibigay na alternatibong hanapbuhay sa mga empleyado ng Boracay na maaapektuhan kapag "ipinasara" ang isla.

"Kung gagawin nila ang ganyan they should make a program," sabi ni Rowen Aguirre, executive assistant ni Malay Mayor Ciceron Cawaling.

"We don't have the capability para diyan," dagdag ni Aguirre.

Ayon kay Aguirre, nasa 30,000 empleyado ang posibleng maapektuhan kapag isinara ang isla sa mga turista para bigyang daan ang rehabilitasyong tutugon sa mga suliranin ng isla sa kalinisan.

ADVERTISEMENT

Isa si Patrick Vicente, empleyado ng isang hotel, sa mga nangangambang mawalan ng hanapbuhay kapag ipinasara ang Boracay.

"Wala ka naman talagang magagawa eh," aniya.

Bago pumasok sa pinagtatrabahuhang hotel, suma-sideline muna si Vicente sa tabing-dagat.

Nasa P20 hanggang P50 ang kinikita niya mula sa mga nais kumuha ng retrato kasama ang kaniyang mga itinatayong sand castle.

Nag-aalala rin ang beach front cleaner na si Jenny Tana kung saan kukuha ng pagkakakitaan.

"Paano po kami, magugutom na, tapos may mga estudyante pa kami. Eh wala na kaming hanapbuhay," ani Tana.

Ayon kay Monica Quiogue, function and event manager sa isang resort, sumusunod naman sa lahat ng environmental laws ang kanilang establisimyento kaya hindi umano patas ang magiging desisyon ng gobyerno kung pati sila ay madadamay.

"It will affect the resort mismo because we have employees also and with their families," ani Quiogue.

Una nang iminungkahi ni Tourism Secretary Wanda Teo na ipasara ang Boracay sa loob ng apat na buwan, mula Hulyo hanggang Oktubre.

Ayon naman kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing III, nagpahayag ng suporta sina Teo at DILG Officer-in-Charge Eduardo Año sa isang 60-day moratorium.

ACTION PLAN

Naglatag naman ang pamahalaang lokal ng Malay at ilang stakeholders ng Boracay ng anim na buwang action plan para linisin ang isla.

Simula Hulyo ay ipatitigil na ang pagpapatayo ng mga bagong estruktura.

Aayusin na rin ang baradong drainage o paagusan.

Sinabi naman ni Cawaling na handa siyang magpa-imbestiga sa umano'y nangyaring kapabayaan ng mga lokal na opisyal.

"I have to defend myself kung fa-file-an tayo ng kaso. Kahit hindi ko kasalanan 'yan, kahit hindi kasalanan ng local government," ani Cawaling.

"Kung may mga aksiyon na ganyan hindi naman siguro magfa-file ng kaso na walang due process," dagdag ng alkalde.

Puspusan din ang paghain ng Department of Environment and Natural Resources ng show-cause order sa mga gusaling nakatayo sa gubat at wetland areas.

-- Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.