Ilang pulis, nabiktima ng investment scam | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang pulis, nabiktima ng investment scam

Ilang pulis, nabiktima ng investment scam

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 07, 2019 05:05 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kabilang ang ilang pulis sa mga naging biktima ng isang investment scam.

Dahil sa pangakong 28 hanggang 35 percent interest kada buwan, naengganyo si Police Officer 2 (PO2) "Juan" na mag-invest noong Nobyembre sa Wahana Credit and Loan Corporation na nagpapautang sa mga casino.

Nasa P1 milyong piso ang pinagtulungang buuin at ipinuhunan nila ng mga kasamang pulis, habang P200,000 dito ay nagmula sa kanya.

Mabilis daw ang return of investment, pero lumalabas na sa una lang tumupad sa pangako ang Wahana.

"Sa ngayon po, hindi na po kami umaasa, malabo na po," ani PO2 Juan.

Si PO1 "Karen" naman, nag-invest ng P100,000.

"Maging aral na din sa atin na kailangan mabusisi tayo," sinabi ni PO1 Karen.

ADVERTISEMENT

Noong isang linggo, naaresto sa Las Piñas City ang 11 tauhan ng Wahana.

Pinaghahanap naman ang mga lider ng kumpanya, kabilang sina Salvie Anahaw at Ma. Lysa Soler na nahaharap sa kasong syndicated estafa.

Pinuntahan ng News team ang ilan sa mga property nina Anahaw, pero nakakandado ito at wala nang tao.

Isinailalim naman sa restrictive custody ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si PO3 Rafael Muchuelas matapos umanong biktimahin ang ilang pulis sa parehong scam.

Sinasabing humigit kumulang P30 milyon ang kanyang natangay.

Ginagamit pa umano ni Muchuelas ang pangalan ni NCRPO chief Oscar Albayalde para makaengganyo ng investors.

"Pati ako, kung minsan, nababanggit pa na investor din ako... wala akong investment diyan," ani Albayalde.

Payo ng Philippine National Police sa mga tauhan, maging mapanuri bago mamuhunan sa anumang negosyo.

--Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.