11 idinadawit sa 'investment scam', arestado | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
11 idinadawit sa 'investment scam', arestado

ABS-CBN News
Published Feb 15, 2018 09:31 PM PHT
|
Updated Aug 27, 2019 04:34 PM PHT

Naaresto na ang 11 tauhan ng isang kompanyang idinadawit sa umano'y investment scam na tumangay ng milyon-milyong piso mula sa mga namuhunan dito.

Sinampahan na rin ng kasong syndicated estafa ang mga nahuling tauhan ng Wahana Credit and Loan Corporation na nambiktima umano ng mga pulis, guro, at negosyante.

Kuwento ng isang nagrereklamong investor na si alyas "Melissa," namuhunan siya sa kompanya ng P1.5 milyong inipon nang matagal na panahon.

Pinangakuan siya ng Wahana ng P12 milyon na interes sa loob lang ng isang linggo.
Pinangakuan siya ng Wahana ng P12 milyon na interes sa loob lang ng isang linggo.
ADVERTISEMENT
Napaniwala si Melissa na malaki ang tinutubo ng Wahana sa negosyo nitong pagpapautang umano sa mga casino player sa Macau.

Hindi makapaniwala si Melissa na isa na siya ngayon sa mahigit 10 nagrereklamong naloko ng kompanya.

Ayon sa Las Piñas police, marami sa investors ng Wahana ang nagpasok ng mahigit P1 milyon sa kompanyang nag-alok ng 25-48 porsiyentong interes sa loob lang ng isang buwan.

"Nag-offer po sila ng 'petmalu' special offer which is 48 percent monthly interest... pero di daw pala dinala sa casino ang mga investment, kundi ipinambili ng properties," ani Las Piñas police chief Senior Superintendent Marion Balonglong.

Sinubukan ng News team na kuhanin ang pahayag ng kompanya pero sarado ang kanilang opisina simula pa nitong Miyerkoles, Pebrero 14.

"Hinahanap din namin, katulong namin ang complainants to locate the at-large suspects," ani Balonglong.

Bukod naman sa pagkahuli sa mga utak ng umano'y scam, umaasa ang mga biktima na maibabalik pa sa kanila ang perang ipinasok sa Wahana.
Paalala naman ng pulisya sa publiko, maging mausisa sa mga nag-aalok ng masyadong malaking interes sa perang ipupuhunan.

Ugaliin ding beripikahin muna sa mga ahensiya ng gobyerno, tulad ng Securities and Exchange Commission at Department of Trade and Industry, kung lehitimo o legal ang negosyo ng katransaksiyon.

-- Ulat nina Bianca Dava at Oman Bañez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Bianca Dava
balita
modus
investment scam
scam
syndicated estafa
Wahana
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT