ALAMIN: Parusa sa iresponsableng pagtatapon ng basura | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Parusa sa iresponsableng pagtatapon ng basura

ALAMIN: Parusa sa iresponsableng pagtatapon ng basura

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 22, 2018 09:38 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maaaring pagmultahin o maharap sa pagkakakulong ang sinumang mapapatunayang nagtapon ng basura sa pampublikong lugar.

Sa programang "Usapang de Campanilla" nitong Martes, tinalakay ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, kaugnay sa pagkakaaresto ng 3 lalaki sa Iligan City noong Sabado dahil sa pagtatapon ng basura sa gilid ng kalsada.

Base sa Section 48 ng RA 9003, bawal magtapon ng basura sa pampublikong lugar, gaya ng mga kalsada, sidewalk, kanal, park, at establisimyento.

"Kapag ikaw ay nagtapon, littering, throwing of garbage, sa mga roads, parks, ang iyong penalty ay P300... or 1 day na community service," ayon kay Atty. Claire Castro.

ADVERTISEMENT

Mas mabigat naman umano ang kaparusahan sa hindi tamang paghihiwalay ng mga basura.

"'Yung hindi pagse-segregate ng basura, violation siya. Ang penalty niya ay hindi lalagpas dapat ng 6 months," ani Castro.

Ayon pa sa abogada, dapat umanong magsimula sa mga opisyal ng barangay ang pagpapatupad ng nasabing batas.

Bukod sa mga opisyal ng barangay, pwede rin umanong manghuli ang mga lokal na opisyal at pulis.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.