3 lalaki na nagtapon ng basura sa gilid ng kalsada, huli | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 lalaki na nagtapon ng basura sa gilid ng kalsada, huli

ABS-CBN News
Published Feb 20, 2018 08:18 AM PHT
|
Updated Sep 27, 2018 04:22 PM PHT

Inaresto ng pulisya ang 3 lalaki matapos silang magtapon ng basura sa gilid ng kalsada sa Iligan City nitong Sabado.

Kinilala ang mga hinuli na sina Mohammad Delna, Solaiman Delma, at Elmar Barillo.

Sinampahan na ng kaso ang 3 nitong Sabado sa paglabag sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Nakasaad sa Section 48 ng RA 9003 na bawal magtapon ng basura sa pampublikong lugar, kagaya ng mga kalsada, sidewalk, kanal, park, at establisimyento.

Ayon kay Senior Inspector Felix Rabago Jr. ng Police Station 1 ng Iligan City, nahuli ang mga lalaki sa isang checkpoint na may tirang basura ang kanilang sasakyan.

"May mga uod pa at mabaho sa sasakyan. Inamin din nila na nagtapon sila ng basura hindi malayo sa checkpoint," aniya.

Kapag napatunayang nagkasala, magbabayad ang mga hinuli ng P300 hanggang P1,000 o sasailalim ng isang araw ng community service. - ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Read More:
Regional news
Tagalog news
Iligan City
Felix Rabago
Republic Act 9003
Ecological Solid Waste Management Act of 2000
garbage
basura
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT