'Kontra dengue': Isdang kumakain ng kiti-kiti, libreng ipinamamahagi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Kontra dengue': Isdang kumakain ng kiti-kiti, libreng ipinamamahagi

'Kontra dengue': Isdang kumakain ng kiti-kiti, libreng ipinamamahagi

ABS-CBN News

Clipboard

Ngayong tumataas ang kaso ng dengue sa probinsiya ng Pangasinan, muling ipinakikilala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isdang "itar" bilang panlaban sa kiti-kiti o mosquito larvae.

Maingat na hinahango ng mga trabahador ang isdang itar o mosquito fish sa palaisdaan ng BFAR-National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) sa Dagupan City.

Taong 2013 nang ipinakilala ang mosquito fish bilang biological control agent o natural na pamamaraan para puksain ang itlog ng lamok.

"Siguro kailangang ipaalala na meron tayong isdang puwedeng mabuhay sa kanal. Hindi kailangang bumili, libre ito, pinakasimple sa lahat magpawala ng animal na kakain sa mosquito larvae," pagmamalaki ni Dr. Westly Rosario, hepe ng BFAR-NIFTDC.

Invasive kung maituturing ang itar pero wala raw dapat ikabahala sa mga nag-aalaga o nagpaparami ng aquaculture species dahil nagiging pagkain din ito ng iba pang isda tulad ng tilapia, malaga, pati bangus.

ADVERTISEMENT

Batay sa feeding behavior ng itar, ang isang itar ay kayang kumain ng isa't kalahating gramo ng itlog ng lamok o kiti-kiti.

Kaya rin nitong mabuhay sa estero, kanal o brackish water.

"Strategic sa maraming bata or schools...Walang threat sa river system kasi maraming carnivorous fish din naman sa ilog, nothing to worry ito," paliwanag ni Rosario.

Kusang dumarami ang itar at hindi lumalaki.

Libre ito at maaaring humingi sa tanggapan ng BFAR ang mga gustong magpakalat ng itar sa breeding sites ng lamok.

--Ulat ni Joanna Tacason, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.