Higit 400 kaso ng dengue naitala sa Pangasinan nitong Enero | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Higit 400 kaso ng dengue naitala sa Pangasinan nitong Enero

ABS-CBN News
Published Feb 01, 2018 05:45 PM PHT

Umabot sa 445 kaso ng dengue ang naitala sa Pangasinan sa buong Enero kaya puspusan na ang information drive ng lalawigan.

Mas mataas ito kumpara sa naitala ng Provincial Health Office (PHO) sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Kaso ng dengue sa Pangasinan (Enero 1-31):
2018 - 445, 1 patay
2017 - 123

Pitong bayan at isang lungsod ang nasa dengue watch list ng PHO, na tinututukan ngayon upang bigyan ng mga impormasyon iwas-dengue.

Dengue watchlist area, bilang ng mga kaso:
1. Urdaneta City- 53
2. Binmaley- 16
3. Asingan- 15
4. Sta. Barbara- 14
5. Binalonan- 12
6. Bayambang- 11
7. Mangaldan- 11
8. Pozorrubio- 11

"Palagi natin sinasabi na kapag may lagnat na, ipa-check-up na. Huwag nang hintayin magka-rashes o bleeding pa," paalala ni Dr. Pablito Banta, chief of clinics ng Urdaneta District Hospital.

Hindi kasama ang Pangasinan sa sumailalim sa mass vaccination program na ngayo'y kontrobersiyal dahil sa bakunang Dengvaxia.

Pero kinumpirma ng Pangasinan-PHO na may na-monitor na 20 batang nabakunahan ng Dengvaxia sa mga pribadong ospital at clinic sa probinsiya.

"Normal pa rin naman ang kanilang kondisyon at hindi naman sila nagpapakita ng sintomas na kailangan po nating ikaalarma," paniniguro ni Dr. Anna de Guzman ng Pangasinan-PHO.

Kinukuha na ng PHO ang data para ma-monitor kung may nakitang side effect matapos mabakunahan ng Dengvaxia ang mga bata.

--Ulat ni Elaine Fulgencio, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
dengue
balita
Dengvaxia
Provincial Health Office
regional news
kalusugan
dengue watch list
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT