Pagsabog ng Bulkang Mayon, 'pahinto-hinto' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagsabog ng Bulkang Mayon, 'pahinto-hinto'

Pagsabog ng Bulkang Mayon, 'pahinto-hinto'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 17, 2019 05:28 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Mayon nitong Martes kasabay ng paglikas ng libo-libong mga residente dahil sa posibilidad ng "mapaminsalang pagsabog."

Isang "phreatomagmatic" eruption ang nangyari ilang minuto bago mag-alas-9 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Muli itong nagbuga ng ash column na aabot sa tatlong kilometro ang taas bandang ala-1 ng hapon.

Sa ikatlong pagkakataon, "strombolian eruption" naman ang nangyari kung saan nagbuga ng lava at abo ang bulkan.

ADVERTISEMENT

Pero mas malakas pa rin ang nangyaring pagsabog noong Lunes ng tanghali, na naging dahilan para itaas ang alert level warning sa Alert Level 4.

Mas kaunti rin umano ang ibinugang tubig ng bulkan.

Natuklasan din ang delikadong pyroclastic flow o pagdaloy ng napakainit na bato, buhangin at abo sa Basud Channel sa may Sto. Domingo, Albay.

Paliwanag ng Phivolcs, bumalik na kasi ang hugis ng bunganga ng bulkan kaya sakaling sumabog ulit ito, maaari nang dumaan ang ibinubuga nito kahit saan.

Pero ayon sa Phivolcs, sa kabila ng tatlong malakas na pagsabog, wala pa ring nakikita ang ahensiya na palatandaan na pasok sa pamantayan para ilagay ang Bulkang Mayon sa pinakamataas na Alert Level 5.

Para itaas ang alertong ito, kailangan umanong magkaroon ng tuloy-tuloy na pagsabog.

Sa ngayon ay paputol-putol o pahinto-hinto ang pagsabog ng bulkang tanyag para sa mala-perpekto nitong hugis tatsulok.

Nasa limang lava fountaining o pagbuga ng lava naman ang naitala simula Lunes ng gabi hanggang Martes ng madaling araw.

Nasa 30 minuto naman umano ang pinakamatagal na lava fountain.

Subalit hindi umano nangangahulugang dahil may malakas na pagputok ay paubos na ang mga materyal sa loob ng bulkan.

Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, nagsisimula pa lang ang pagsabog ng bulkan.

Kung ang dalisdis ng bulkan ang pagbabasehan, namamaga pa rin umano ito na nangangahulugang patuloy ang pag-akyat ng magma.

Pumalo naman sa 40,000 ang bilang ng mga lumikas na residente simula Lunes.

Pinalawig naman nitong Martes sa siyam na kilometro ang sakop ng danger zone sa paligid ng bulkan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.