Alert level 4, itinaas sa Bulkang Mayon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alert level 4, itinaas sa Bulkang Mayon

Alert level 4, itinaas sa Bulkang Mayon

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 16, 2019 06:54 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinaghahandaan ng mga awtoridad ang posibilidad ng "mapaminsalang pagsabog" ng Bulkang Mayon matapos itong magbuga ng abo nitong Lunes.

Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level warning sa alert level 4, isang antas na mas mababa sa pinakamataas na alert level level warning.

Nangangahulugang posible ang mapanganib na pagsabog ng bulkan sa loob ng ilang oras o araw.

Pinalawig din ang danger zone sa walong kilometro.

ADVERTISEMENT

Umabot naman sa 10 kilometro ang taas ng ash column na ibinuga ng bulkan.

Sinabayan din ito ng peligrosong pyroclastic flow o pag-daloy ng napakainit na mga bato, buhangin, at abo.

"Delikado ito dahil unang-una 'yong pyroclastic flow umaabot sa 1,000 degrees Celsius," pahayag ni Paul Alanis, science research specialist sa PHIVOLCS.

Ito ang pinakamalakas na pagsabog ng Bulkang Mayon simula nang magpakita ito ng aktibidad noong Enero 13.

Ayon kay Renato Solidum, direktor ng Phivolcs, posibleng "phreato-magmatic" ang uri ng eruption dahil bukod sa magma, nagpalabas din ng steam o singaw ang bulkan.

Agad namang sinuspinde ng pamahalaang lokal ng Albay ang pasok sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan dahil sa banta ng ash fall.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagtakbuhan, lumikas

Sa kapal ng abong inilabas ng bulkan, halos dumilim ang paligid sa katimugang bahagi ng Albay.

Nagtakbuhan din ang mga residenteng naninirahan malapit sa paanan ng bulkan.

Ang ilang residente, tuloy sa pagtakbo papalayo kahit walang ideya kung saan pupunta.

Kalauna'y may mga trak ng militar na dumating para maghakot ng mga residente.

Kasalukuyang nasa 38,000 katao ang lumikas dahil sa pag-aalbaruto ng bulkang tanyag para sa perketo umano nitong hugis.

Pinabalik din sa mga evacuation center ang higit 12,000 residente ng Legazpi City na pinauwi noong Huwebes.

Ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, dahil sa mga pangyayari, posibleng lumobo sa 80,000 ang bilang ng mga palilikasin.

Umapela si Bichara sa gobyerno para sa karagdagang pondo upang matugunan ang pangangailangan ng mga lumikas.

Sinarado rin noong hapon ang Legazpi City Airport at sinabihang maghintay muna ng abiso mula sa PHIVOLCS bago muling magbukas.

-- Ulat nina Thea Omelan at Jose Carretero, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.