PRIVATE NIGHTS: Sanhi ng kawalan ng gana sa pakikipagtalik | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PRIVATE NIGHTS: Sanhi ng kawalan ng gana sa pakikipagtalik

PRIVATE NIGHTS: Sanhi ng kawalan ng gana sa pakikipagtalik

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 11, 2018 11:53 AM PHT

Clipboard

Sa mag-asawa, ang nagdadala sa masayang pagtatalik ay ang gana ng bawa't isa. Ang ganang ito ay dulot ng pagtaas ng libido sa katawan.

Ngunit unti-unting bumababa ang libido ng mag-asawa habang tumatagal ang relasyon.

Sa programang "Private Nights" sa DZMM Teleradyo, ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez na ang sanhi ng pagbaba ng libido ay maaaring physical o psychological.

Ayon kay Marquez, narito ang mga maaring dahilan ng mababang libido:

ADVERTISEMENT

  1. poor body image
  2. depression o anxiety
  3. chronic stress
  4. obesity
  5. alcoholism
  6. lack of sleep
  7. hormonal imbalance
  8. testosterone deficiency dulot ng injury, inflammation, o tumor sa testicles
  9. menopausal
  10. pag-inom ng gamot o medication
  11. birth control pills
  12. pagtulog sa higaan kasama ang anak

"Kapag mababa ang libido mo, ibig sabihin ay mababa ang sex drive mo," sabi ni Dr. Marquez.

Aniya, mas tatagal ang relasyon ng mag-asawa kung mapapanatili ang gana ng bawa't isa sa pagtatalik.

"Hindi nangangahulugan na manyak ang isang taong may mataas na libido... alam lang nila kung paano i-manage ang kanilang sexuality," paliwanag pa ni Dr. Marquez.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.