PRIVATE NIGHTS: Paano malalaman kung tunay ang orgasm? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PRIVATE NIGHTS: Paano malalaman kung tunay ang orgasm?

PRIVATE NIGHTS: Paano malalaman kung tunay ang orgasm?

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 02, 2016 07:24 AM PHT

Clipboard

Normal lamang na pinepeke ng babae ang kanyang orgasm kapag nakikipagtalik sa asawa. Pero paano malalaman ng lalaki kung tunay o peke ang orgasm ng asawa?

Sa programang "Private Nights" sa DZMM Teleradyo, tinalakay ni Dr. Lulu Marquez ang mga palatandaan ng matagumpay na orgasm. Tinalakay din niya ang isang paraan upang madali at matagumpay itong makamit.

Ani Marquez, may mga pagkakataon na pinepeke ng babae ang kanyang orgasm upang hindi madismaya ang asawa, pero hindi ibig sabihin nito ay wala na ang pagmamahal. Malalamang peke ang orgasm kung ang babae ay tumatawa o ngumingiti lamang.

Bagama't sabihin ng babae na natutuwa siya, hindi naman totoo na nakararanas siya ng orgasm.

ADVERTISEMENT

Kaya naman, inisa-isa ni Marquez ang mga palantadaan ng tunay na orgasm.

Isa sa mga palatandaan ay ang pagkakaroon ng rhythmic contraction o panginginig ng pelvic floor sa pribadong bahagi ng babae. Naninigas din ang mga hita, at namamaluktot ang mga daliri sa paa. Mapapansin din ang pangingiwi ng mukha ng babae sa oras na makamit ang tunay na orgasm.

ANO ANG ORAL SEX, AT MGA PANGANIB NA DALA NITO

Ang oral sex ay isa sa mga paraan upang makamit ang orgasm ng babae. Ayon sa isang pag-aaral at istatistiko, mas madaling nakakamit ng isang babae ang orgasm sa oral sex kumpara sa vaginal intercourse.

"Studies have shown that women love oral sex on them, and they easily reach orgasm because it's the most sensitive part of the woman. It is even more sensitive than the glans of the penis," ayon kay Marquez.

Ang oral sex ay parte ng foreplay. Mayroong ito dalawang klase: ang fellatio o sexual intimacy mula bibig patungong penis; at cunnilingus, kapag ito naman ay ginagawa sa vagina ng babae.

Ayon kay Marquez, mas epektibo ang oral sex para sa matagumpay na orgasm.

"Reaching clitoral erection means reaching her clitoral sensitivity. Kapag na-reach po ang clitoral sensitivity then chances are she will reach her orgasm, her true orgasm," paliwanag ni Marquez.

Dagdag pa niya, "the clitoris itself has so many nerve endings. Kapag ito po ay na-stimulate, the clitoris becomes erect because mag-iincrease ang sirkulasyon over that area, so magkakaroon pa ng clitoral erection. Clitoral erection is very important for a woman to reach her orgasm."

Ngunit may paalala rin si Marquez sa mga mag-asawa bago gawin ang oral sex. "It's actually a choice. If you want to do it between husband and wife, walang pilitan 'yan."

Dagdag pa niya, dapat ding maging sensitibo ang lalaki sa mga pangangailangan ng asawa upang makamit ang tunay na orgasm.

"Statistics have shown that men like oral sex.... so if she likes having oral sex, then mag-usap po kayo. May ibang mga misis na ayaw nila 'yan, so huwag pilitin."

Para naman sa mga mahihilig makipag-oral sex, may babala rin si Marquez.

"Puwede ka magkaroon ng cancer of the throat if you've been doing that left and right, and you just don't care about the person you're doing oral sex with," aniya.

Ilan sa mga peligro na hatid ng oral sex ay ang pagkakaroon ng throat cancer dahil sa human papillomavirus na maaaring magdulot ng impeksyon. Puwede makakuha ng syphilis na kapag lumala ay maaaring maapekto sa puso.

Payo ni Marquez, magpa-check up muna sa doktor at sumailalim sa mga pagsusuri upang masiguro na ligtas ang katawan mula sa mga virus na maaaring magdulot ng sakit dahil sa pakikipag-oral sex.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.