Private Nights: Unang beses ng pakikipagtalik | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Private Nights: Unang beses ng pakikipagtalik

Pia Regalado,
ABS-CBN News
Published May 14, 2016 12:35 AM PHT

Pagkatapos ng ilang buwang paghahanda para ikasal, dumating na ang araw na hinihintay ng magkasintahan: ang kanilang wedding day. Pero hindi ito natatapos sa seremonyas dahil kasunod na nito ang honeymoon.

Sa mga bagong mag-asawa, maaaring hindi nakakatakot isipin ang unang beses na magtatalik sila. Ngunit para sa ibang magsing-irog, kinakatakutan nila ang ilang mga bagay na kalakip ng pakikipagtalik.

Sa programang "Private Nights" sa DZMM, ipinaliwanag ni Dr. Lulu Marquez na hindi kailangang kabahan sa unang beses na makikipagtalik sa asawa.

Aniya, hindi kailangang maging masakit ang "first time".
Aniya, hindi kailangang maging masakit ang "first time".
ADVERTISEMENT
"'Pag sinabi mo kasing may pain diyan, it's because wala kang desire."

Paliwanag niya, para hindi maging masakit ang pakikipagtalik, kailangan ito ng mga babae: desire, arousal, at orgasm.

Nagkakaroon ng desire sa pamamagitan aniya ng foreplay. Sinusundan ito ng arousal na nangyayari kapag may vaginal lubrication at may erection ng clitoris. Sa pagtatapos naman ng pakikipagtalik makakamit ang orgasm.

"You have to be sure that your partner is well-lubricated," payo nito.

Pagkaklaro ni Marquez, ang "first time" ay hindi limitado sa mga virgin. Aniya, "first time" ding maituturing kung nagkaroon ng celibacy o pag-iwas sa sex ang isang indibidwal bago siya makipagtalik muli.

"Pwedeng sinasabi na nag-asawa tapos nabiyuda o naghiwalay and then she bacame celibate."

Bukod sa takot na maging masakit ang "first time", narito ang iba pang mga kathang-isip sa unang beses na pakikipagtalik:

1. Hindi ka makakakuha ng sexually-transmitted disease (STD) sa unang pakikipagtalik.

Hindi aniya ito totoo lalo na kung hindi rin first time ng ka-partner.

2. Hindi mabubuntis sa unang beses ng pakikipagtalik.
2. Hindi mabubuntis sa unang beses ng pakikipagtalik.
ADVERTISEMENT
Hindi ito totoo dahil maaaring makipagtalik habang fertile ang isang babae.

3. Hindi kaaya-aya ang unang beses ng pakikipagtalik dahil ninenerbiyos ang magtatalik.

Payo ni Marquez, hindi kailangang maging hindi kaaya-aya ng "first time." Kailangan lang na mag-relax at iwasang maging tensyonado para hindi makaranas ng vaginal dryness sa mga babae at premature ejaculation sa mga lalaki.

4. Nagkakaroon ng pagdugo sa unang beses ng pakikipagtalik.

Hindi ito totoo. Paliwanag ni Marquez, hindi porke hindi nagdugo ang babae sa unang beses na nakipagtalik ito ay hindi na siya virgin dahil pwedeng mapunit ang hymen, o ang tisyu na nakatakip sa vagina, sa ibang paraan bukod sa pakikipagtalik tulad ng pagbibisikleta o anumang mabibigat na gawain.