Labis na paggamit ng gadgets, ano ang epekto sa mga bata? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lifestyle

Labis na paggamit ng gadgets, ano ang epekto sa mga bata?

Labis na paggamit ng gadgets, ano ang epekto sa mga bata?

ABS-CBN News

Clipboard

Naging trending kamakailan sa social media ang post ng isang nanay tungkol sa pangingisay ng kanyang anak dahil umano sa labis na paggamit ng gadgets.

Ayon naman kay Dr. Mark Reysio-Cruz, isang developmental pediatrician, hindi direktang sanhi ng pangingisay ang paggamit ng mga gadget.

"As the doctor mentioned, wala naman talagang direct evidence. Although, there are seizures na nati-trigger ng sa ilaw, iyong blinking lights. These gadgets emit din radiation, so di pa natin talagang naaaral iyang mga ganyan, but certainly, we have to be vigilant," ani Reysio-Cruz.

Hindi pa man napatutunayan kung nakapagdudulot ng pangingisay ang labis na paggamit ng gadgets, mayroon namang ibang pag-aaral tungkol sa iba pang epekto nito sa mga bata.

ADVERTISEMENT

Isa rito ang maaaring epekto sa kakayahan ng batang makitungo sa kapwa.

Maaari ring ma-delay ang pagpapaunlad sa memorya at sa kakayahang magplano at mag-focus ng bata. Dulot ito ng kawalan ng panahon na matuto pa ng ibang bagay.

"Ang brain development ng bata early on, napakabilis. As the child is growing, kailangan ng stimulation, and the main one would be environmental. Environment would include touch, social human interaction, movement, nature. 'Yon ang nawawala pag nagga-gadget sila," ayon kay Reysio-Cruz.

Maaari rin maapektuhan ang kakayahang makipag-usap at maging bihasa sa paggamit ng wika.

"Hindi na nga nagsasalita, tapos nanonood pa sila ng mga hindi nagsasalita rin, lalong di nasi-stimulate 'yong language nila, so it results in delays."

Dahil din hindi na aktibo sa paglalaro o paggawa ng iba pang physical activities, nagiging sobra sa timbang ang bata.

Ayon sa doktor, inilabas sa isang pag-aaral na 30% ng mga madalas gumamit ng mga gadget ang nagiging 'obese' o sobra sa timbang. Kalaunan, maaari itong magdulot ng stroke, high blood, o heart attack.

Kapag naman hinayaang gamitin ang gadget habang nasa higaan o nasa kuwarto kung gabi, madalas na nababawasan ang oras ng tulog o tuluyan nang hindi nakatutulog ang bata.

Inirerekomenda naman ng American Academy of Pediatrics na huwag ipagamit ang mga gadget sa mga batang may edad 0-2 years old. Maaari namang ipagamit ito sa mga edad 3-5 nang hanggang isang oras kada araw. Hanggang dalawang oras naman kada araw para sa mga edad 6 hanggang 18.

Payo ni Reysio-Cruz, kapag inalis ang gadget mula sa bata, mainam na bigyan ng ibang aktibidad na ipapalit dito, tulad ng paglalaro ng sports o kaya nama'y hikayatin ang batang magbasa at matuto sa sining gaya ng pagguhit o pagpinta.

Makatutulong din ito sa kalusugan at sa pagpapaunlad ng pag-iisip ng bata.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.