'Pangingisay', idinulot ng labis na paggamit ng gadget? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pangingisay', idinulot ng labis na paggamit ng gadget?

'Pangingisay', idinulot ng labis na paggamit ng gadget?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 15, 2017 01:22 AM PHT

Clipboard

Isinisisi ng isang ginang sa labis na paggamit ng gadget ang pagkakaroon ng 'seizure' o biglang pangingisay ng kaniyang 11 anyos na anak.

Ipinagbabawal na ng inang si Catherine Diones ang paggamit ng gadgets sa kanilang bahay matapos aniyang magka-'seizure' ang anak dahil sa labis na paggamit ng kaniyang cellphone.

Kuwento ni Diones, hindi mapahinto ang anak na si "Kat" sa kakapindot sa kaniyang cellphone at inaabot na rin ito ng madaling araw sa kakagamit ng gadget.

Habang natutulog isang gabi, nakita ng kapatid ni Kat na bigla na lang nanginig ang bata at tumirik ang mga mata.

ADVERTISEMENT

Pinatingin sa ospital si Kat at dumaan din sa Electroencephalography (EEG) para masukat ang brain electrical activity niya.

Lumabas naman sa pagsusuri na normal ang bata.

Pero aniya, sinabi sa kanila ng doktor, na dahil ito sa malimit na paggamit ng gadget.

"Sabi ng doktor dahil daw sa kagagamit ng gadget kaya gano’n nangyari sa kanya," ani Diones.

Agad nag-post sa social media ang kapatid ni Kat at mabilis din itong kumalat.

Hindi lang din umano ito ang unang post sa social media na ikinokonekta ang labis na paggamit ng gadgets sa seizure.

Pero nang tanungin ang isang pediatric neurologist na may specialization sa epilepsy, sinabi niyang hindi direktang sanhi ng seizures ang paggamit ng gadget.

"Hindi naman directly causal ang gadget [use] to seizures unless you have an underlying tendency... then maybe it could be a potential trigger for a seizure. But, we don't have any scientific evidence clearly linking gadget use to cause seizure," paglilinaw ni Dr. Rhea Angela Quimpo.

Dadag pa ni Quimpo, posibleng magsimulang lumabas ang iba't ibang klaseng epilepsy sa mga bata sa edad na walo hanggang 11.

Hindi rin aniya ito basta-basta nada-diagnose dahil maraming puwedeng magdulot ng seizure. Hindi rin lahat ng seizure ay dahil sa epilepsy.

"Sleep deprivation is one of the common triggers to cause seizures. So 'yon ang isa sa mga possibility. Although it's not a direct relationship." ani Quimpo.

Sa huli, pinayuhan pa rin ni Quimpo ang mga magulang ng mga batang nagka-seizure na patuloy na magpatingin sa kanilang neurologist.

Payo pa ng mga doktor, limitahan ang paggamit ng gadget ng hanggang dalawang oras lang, iwasan ang paggamit nito ilang oras bago matulog, at lagi ring kumpletuhin ang pito hanggang walong oras na tulog, lalo na sa mga bata.

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.