Liz Uy, humiling ng privacy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Liz Uy, humiling ng privacy

Liz Uy, humiling ng privacy

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 20, 2018 07:02 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa gitna ng Instagram big revelation ni Liz Uy na isa na siyang mommy, umiwas naman ang celebrity stylist na pag-usapan kung sino ang ama ng kaniyang panganay.

Tumanggi rin si Uy na sabihin sa ngayon kung ilang buwang gulang na si baby Xavi.

"Saka na lang natin pag-usapan," tugon ni Uy nang tanungin ang edad ng panganay.

Dati nang usap-usapang kaya nanatili ng ilang buwan sa Amerika si Uy ay para manganak noong 2017.

ADVERTISEMENT

Pakiusap lang ngayon ni Uy, respetuhin sana ang kaniyang privacy.

"For me, well that's my [Instagram] page naman, and I can say and do whatever I want, and then bahala sila whatever they want to think din. Kasi I'm not naman answerable to anyone," aniya.

Dagdag ni Uy, wala siyang pinagsisisihan sa pagiging isang ina dahil binago raw nito ang kaniyang buhay.

"The best accomplishment I've done," ani Uy.

BABY SHOWER

Kabilang si Uy sa mga personalidad na dumalo sa baby shower para kay Isabelle Daza.

Temang sports festival ang baby shower para sa panganay ni Daza na isisilang sa Abril.

Ayon kay Daza, pinili nilang mag-asawa na hindi muna alamin ang kasarian ng kanilang baby number one.

"I'm giving birth in three weeks... we don't have the name [yet]... but it's fun, I like the surprise," ani Daza.

Para naman sa lola na si Miss Universe 1969 Gloria Diaz, gusto niyang maging babae ang apo.

"Siyempre I want a girl, so you can buy nice clothes, but a boy is [also] fine," ani Diaz.

Ayon kay Daza, magpapahinga muna siya ng tatlong buwan matapos manganak bago bumalik sa trabaho.

-- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.