Dasal, hiniling para sa paggaling ng Pinoy rock legend | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dasal, hiniling para sa paggaling ng Pinoy rock legend

Dasal, hiniling para sa paggaling ng Pinoy rock legend

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Humingi ng dasal ang mga kaanak ng Pinoy rock legend na si Joseph "Pepe" Smith matapos siyang isugod sa ospital dahil sa stroke.

Pasado alas-11 ng gabi noong Martes, isinugod si Smith ng kaniyang manager sa Metro Antipolo Hospital matapos magreklamo tungkol sa galaw ng kaniyang dila.

Bandang alas-3 ng madaling araw, inilipat ang 69 anyos na si Smith sa acute stroke unit ng ospital.

Stable o maayos umano ang kaniyang vital signs ngunit kailangan pa rin siyang suriin ng isang neurologist o doktor sa utak.

ADVERTISEMENT

Ito ang pangatlong atake ng stroke na naranasan ni Smith mula noong 2016.

Nagkaroon siya ng speech impairment o kapansanan sa pananalita kasunod ng stroke nitong taon din.

Kasama ang Juan De La Cruz Band, isinulong ni Smith ang Pinoy rock noong 1970 sa mga hits niyang 'Ang Himig Natin', 'Titser's Enemi No. 1', 'Beep Beep' at iba pa.

Nakilala din ang Filipino-American na gitarista ng Pampanga bilang 'Mick Jagger of the Philippines'.

Dapat sana'y magtatanghal sa Sabado, Nobyembre 18, si Smith para sa kauna-unahang Pepe Smith Rock Fest sa Quezon City.

Pero pansamantala munang iniurong ang iskedyul ng konsiyerto habang nagpapagaling si Smith.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.